Chapter 1

1K 39 26
                                        

Chapter 1

"YOU'RE UNDENIABLY gorgeous, Ms. Gretel," the German make up artist said. "And I really like your violet hair."

I smiled, sweetly. "Thank you."

Fluent ako magsalita ng German subalit mas pinipili kong mag-English at Tagalog para mas komportable. Good thing about them, naa-adapt nila ang mga salita ko.

"It's shiny and special," she added. "Of all the women who tried to have violet-colored hair, it really looks better than you."

Muli na lamang akong ngumiti dahil bumalik sa alaala ko ang babaeng nakilala ko sa isang branch ng clothing store ko. Ishvi ang pangalan niya. Maganda, maputi at sexy. Violet din ang hair niya at bagay na bagay 'yon sa kaniya. Pero alam ko naman sa sarili ko na mas maganda ako sa kaniya at mas natural ang kulay ng buhok ko.

"Ang tagal naman mag-start," reklamo ng personal assistant at close friend ko na ring si Aera habang nagkakalikot sa tablet. "Aattend ka pa ng fashion show."

Ngumiwi ako. "Tuloy pala 'yon?"

"Of course. Dadalo rin ang rich clients mo 'no."

Napabuntong-hininga na lamang ako at nilipat ang magazine sa susunod sa pahina. Nasa ganoong posisyon kami nang bumukas ang pinto at niluwa ang isang staff.

"Ms. Gretel, proceed na po tayo sa studio."

"Okay."

Tumayo ako at bahagyang tinaas ang suot na black tube dress. Pinisikan din nila ako ng pabango saka inayos ang silver necklace. This is so dope. Nakangiti naman akong lumabas at tumungo sa back stage.

"Natatandaan mo ba ang mga isasagot mo?" tanong ni Aera nang tumabi sa akin.

"Yes."

"Don't ever mess it up."

"Excuse me? When did I mess up?"

"More than ten times, remember?" ngiwi niya. "Lahat na lang ng guesting at interviews mo sa mga reality show, you're savaging the hosts!"

"Kaya nga reality 'di ba?" Inikot ko ang mga mata. "I need to tell the truth!"

"Panay mo na lang pinapasakit ang ulo ko." Nahilot niya ang sentido. "Ako na naman ang mapapagalitan ng agency mo nito eh."

"Yeah, whatever. Aayusin ko na."

Sumenyas sa amin ang floor director na nagsisimula nang mag-roll ang camera kaya nanahimik kami. Pinakinggan ko na lamang ang masiglang pagbati ng dalawang host, isang babae at isang lalaki. Parehas silang nagsasalita ng German at English dahil pinapalabas din itong show sa ibang bansa.

Hindi ko alam kung pang-ilang interview ko na 'to simula nang maging matagumpay ang tinayo kong clothing line rito sa Germany. Scripted naman kaya nabigyan na ako ng tamang isasagot ngunit kadalasan ay may mga tanong sila na hindi ko inaasahan. And I found it fun, lalo na kapag twisted.

"Guess who is our special guest for this afternoon."

"Oh, I'm excited! She's the epitome of beauty, brain and strength."

Natawa si Aera saka bahagyang binunggo ang balikat ko. "Feel na feel."

"Syempre," hirit ko sabay ngisi.

"She's just 24 years old yet she already achieved more than of her dreams," the female host continued. "And one of the most hottest faces in the industry."

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now