Chapter 16

607 25 3
                                        

Chapter 16

"GRETEL?" Tyron approached me after the show. "Do you have spare time? Dinner tayo?"

"I'm sorry," alanganin kong ngiti. "I have plans." Nang mahagip ko si Pevee ay nahuli ko siyang nakatingin sa amin ni Tyron. "Siya na lang ang isama mo."

"Huh?" His forehead creased. "Sino?"

"Si Pevee. Para naman makapag-bonding kayo."

Tipid na lamang siyang ngumiti at nang sulyapan si Pevee ay kumaway ito sa kaniya.

"Come on," yaya ni Aera habang kasunod ang make up artist ko. "Gusto ko nang matulog."

"Mauna na kayo," ngiti ko. "Susunduin ako ni Heaven."

"Kaya naman pala excited umalis," umiirap na tukso niya. "So saan ka maghihintay?"

"Dito na lang."

"Isasara nila 'to mamaya kaya humanap ka ng ibang spot."

"Okay, bye!" Kumaway ako saka nag-flying kiss. "Sana mapanaginipan mo si Xavier."

Sumimangot siya. "Bangungot na 'yon.'

Natatawa ko na lamang silang pinanood sumakay sa van at umalis. Matiyaga akong naghintay at nang isara na ang recording site ay naisipan kong lumipat ng pwesto. Habang naglalakad, may naramdaman akong parang sumusunod sa akin.

Huminto ako at nilingon 'yon ngunit wala namang tao. Napailing na lang ako at winaksi sa isip. Tumambay ako sa harap ng isang coffee shop at sa sobrang lalim ng pag-iisip ay namalayan ko na lang na may tumigil na kotse sa harap ko.

"You still here?" tanong ni Tyron nang ibaba niya ang bintana sa gilid. "Gabi na. Sino bang hinihintay mo? Sumabay kana sa akin."

Magsasalita na sana ako nang may bumalot na braso sa bewang ko. "Me."

"Heaven," bulong ko at nagugulat siyang tinitigan.

"What a coincidence," Tyron said kaya muli akong napatingin sa kaniya. "You are her doctor again?"

"It's none of you business," he replied coldly. "Come on, Gretel."

Gano'n na lamang ang kaba ko nang magsukatan pa sila ng tingin. Hindi agad ako nakaisip ng marapat na gawin. Kung hindi ko pa hinatak si Heaven ay hindi mapuputol 'yon.

"What's wrong with you?" singhal niya nang makasakay kami sa kotse at pinadaanan pa ako ng masamang tingin.

Nagulantang ako. "Bakit ako?"

"Is it still part of the show or not?"

"What are you saying?"

"You said every show that you're in is scripted. What about earlier?" Lalong dumilim ang mukha niya at minsan pang umigting ang panga. "With that guy, huh?"

"It's nothing. Walang namamagitan sa amin, okay?"

Hindi siya tumugon, nanatiling kunot ang noo habang pokus ang tingin sa pagmamaneho. Hindi ko mawari kung galit ba siya sa akin o kay Tyron. Lihim din akong napangiti nang may mapagtanto.

"Are you jealous, Dr. Heaven?"

"Of course not."

"But why are you sound like you're jealous?"

"Tsk."

Huminto kami sa isang sikat na restaurant. Nagsuot muna ako ng shades bago bumaba. Hindi muna ako naglakad upang silipin kung marami bang tao at kung may paparazzi na nagtatago sa kung saan.

Touch of HeavenStories to obsess over. Discover now