Chapter 6

525 25 9
                                        

Chapter 6

SUMAPIT ang gabi ng engrandeng comeback party ni Storm. At sa buong pagdiriwang ay nakatulala lamang ako. Ilang araw akong hindi nakatulog kaiisip tungkol sa nakaraang relasyon nina Heaven at Ishvi.

Hindi naman ako nagseselos. Nalulungkot lang ako dahil bukod sa niloko siya ni Ishvi, tinraydor din nito ang pamilyang Hawthorn. Wala nang sasakit pa roon.

Kung totoo mang takot nang mag-commit si Heaven sa ano mang relasyon, hindi pa rin niyon nabawasan ang pagkagusto ko sa kaniya. In fact, mas lalo ko nga siyang gustong i-pursue. He doesn't deserve that kind of treatment. He deserves to be loved genuinely.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Rocket. "Kanina ka pa hindi nagsasalita."

"I was just thinking about his past."

"Akala ko kung ano na," tawa niya. "This is a party, Gretel. You should have fun."

I sighed. "I can't stop thinking about him."

"Bakit mo pa iniisip? Kung pwede mo namang puntahan at tanungin." Pasimple siyang tumuro sa kabilang direksyon. "He's there."

Nilingon ko 'yon at nakita siyang mag-isang umiinom. "Mukhang malalim ang iniisip niya. Ayaw ko siyang istorbohin."

"Nilalagnat ka ba?" Hinipo pa niya ang noo ko. "This is not you."

Ngumuso ako. "Gusto ko man siyang tanungin ukol doon, hindi naman tama dahil para akong nanghihimasok. Saka baka magalit pa siya sa akin."

"You're just concern, Gretel."

"Kahit na. Magtataka rin siya kung paano ko nalaman ang tungkol doon."

"Eh sabihin mong sinabi namin sa 'yo."

Umiling ako. "Hahayaan ko na lang muna siya."

"Sure kana?" Tumaas ang kilay niya saka ngumisi. "Hahayaan mo lang siyang pinaliligiran ng mga babae?"

Kasing bilis ng kidlat ang paglingon ko kay Heaven. Naroon pa rin siyang nakaupo, nag-iinom habang maraming babae ang umaaligid at kumakausap sa kaniya. Ang kinatuwa ko ay wala siyang kinausap o tinapunan ng tingin kahit isa.

Uminom ako ng wine at tumayo. Hinigit ko ang gown upang hindi matapakan ang laylayan at taas-noong lumapit doon. Hindi ako pinansin ng mga babae dahil tutok ang kanilang paningin sa gwapong doktor.

"Heaven," malambing na tawag ko. "Let's go."

Kunot-noo siyang nag-angat ng tingin at nagulat ako nang ngumiti siya. "Thank goodness, you're here."

Naestatwa ako nang lumapit siya sa akin at hinagkan ang bewang ko. Ayun na naman ang malakas na pagkabog sa dibdib ko, tila may nagkakarera.

Kinagat ko ang labi. "Ang sweet mo naman."

"Tsk." Dinantay niya ang bibig sa tainga ko. "Stay still."

Umugong ang bulungan ng mga babae saka bigong umalis.

"Wala na sila." Tumaas ang kilay ko. "'Wag ka nang magpanggap."

Gustong-gusto ko ang ganitong posisyon namin pero dahil alam kong ginamit niya lang ako para mataboy ang mga babae ay inalis ko na rin ang kamay niya.

"I said stay still." Muli niyang hinagkan ang bewang ko. "Why are you stubborn?"

Napaamang ako at agad na pumaibabaw ang kilig. "Bakit ba?"

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now