Chapter 26

685 28 7
                                        

Chapter 26

"ALAM NIYO ba?" nakangising sambit ko habang kaharap ang mga katrabaho ko. "Traydor 'yang si Pevee. Akala ko pa naman mabait."

Nangunot ang noo ng CEO. "What do you mean?"

"Siya 'yong nag-utos na buhusan ako ng tubig no'ng na nasa hospital ako." Tumawa ako at tumungga ng beer. "At siya rin 'yong naglagay ng panakot sa tapat ng condo ko."

"Totoo ba 'yan? Teka, lasing kana eh."

"Hindi ako lasing 'no!" Muli akong ngumisi. "At saka alam niyo ba? Mahal na mahal ko si Dr. Heaven!"

"Iyong doktor na naghatid sa 'yo dati?"

"Oo! Gwapo 'no? Akin lang 'yon! Pero may umaahas sa kaniya eh."

"Sino?"

"Iyong kapatid ni Pevee, si Dra. Yheza." Malakas akong tumawa saka tumungga ng alak. "It runs in the blood talaga 'no?"

"Walang hiya ka!"

May bigla na lang sumabunot sa buhok ko. Nahila ako patayo at napangiwi dahil sa pananakit ng anit. Sa inis ko ay sinabunutan ko rin siya.

"Hindi ko naman gagawin 'yon kung hindi mo nilalandi si Tyron!" tili ni Pevee. "At huwag mong idadamay ang ate ko rito!"

"Bakit naman hindi?" ngisi ko at hinigpitan ang sabunot sa buhok niyang bagong salon. "Parehas naman kayong ahas!"

"Hindi kami gano'n! Bawiin mo 'yang sinabi mo!"

Tumawa na lang ako dahilan para mas lalo siyang mayamot. Kinaladkad pa niya ako ngunit tinapakan ko ang paa niya. Sabay kaming natumba sa sahig saka muling nagsabunutan. Nasa ibabaw ko siya at pilit na inaabot ang mukha ko upang kalmutin.

"Uy, awatin niyo!" anas ng mga nasa paligid. "Pigilan niyo rin ang mga kumukuha ng litrato!"

Maraming nagtangkang paghiwalayin kami subalit parehas lang namin silang tinataboy. Nanggagalaiti ang mukha niya samantalang ako ay nakangisi lang. Tinadyakan ko siya dahilan para maalis siya sa ibabaw ko at tumalsik sa kabilang banda.

"Hindi mo matanggap ang mga sinabi ko dahil totoo 'di ba?" Pilit akong tumayo. "Guilty ka kasi!"

"Malandi ka!" turo niya sa akin. "Akin lang si Tyron!" Akma pa siyang susugod pero agad na siyang hinarang ng mga staffs. "Bwisit ka!"

"Pevee," mariing banta ng CEO. "That's enough."

"Magtutuos pa tayo!" Saka siya padabog na umalis.

Napangisi na lamang ako at bumalik sa kinauupuan nang parang walang nangyari. "Shot tayo!"

Nagkatinginan pa ang mga katrabaho ko at napailing subalit nakisama na ring uminom. Hindi ko na alam kung nakailang bote ako ng alak. Basta masarap mag-inom.

"Lasing kana. Tara na, ihahatid kana namin pauwi."

"Ayaw!" iling ko. "Dito lang ako! Dito lang kayo! Mag-inom pa tayo!" Tinaas ko ang dalawang bote at natuwa ako nang mag-toast pa kami. "Party!"

"Ang laki ng problema nito, bro," rinig kong sabi ng isa.

"Malaki talaga," pagsang-ayon ko. "Hindi naman ako pinaniwalaan ni Heaven eh! Ayaw niyang maniwala dahil wala siyang tiwala sa akin!" Pumatak ang luha sa aking pisngi. "Hindi ko nga alam kung gusto niya ba talaga ako."

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now