Chapter 12
"HELLO, MALDIVES!" I shouted on top of my lungs. "Gretel Heinrich is here!"
"Tsk," bulong ni Heaven. "Too loud."
"I'm also here with my loves!" Umangkla ako sa braso niya. "Let's have fun, okay?"
"Have fun alone. Exclude me because I don't want to be with you." Saka siya naglakad papasok ng villa.
"But I want to be with you alone!" habol ko naman.
Pagdating namin doon ay nagbibigayan na ng keycard sa bawat kwarto at ang kasama ko ay si Snow.
"Next time," bulong ko kay Heaven. "Tayo na ang magkasama sa iisang kwarto."
Tinaliman niya ako ng tingin. "Back off."
"Anong sinabi mo, ate? Nakasimangot na naman ang my loves mo," bungisngis ni Snow nang makapasok ako sa kwarto namin.
Matamis akong ngumiti. "Love note."
Matapos naming mag-ayos ng gamit ay lumabas na rin kami dahil simula na nang pagliliwaliw. At sisiguruhin kong magiging memorable ang limang araw na bakasyon kasama si Heaven.
"Are all complete?" Tita Spirit asked. Just like Storm, she's beautiful and I admire her intelligence. "Okay, let's go." Natuwa rin ako nang makitang ka-holding hands niya si Tito Thunder. Namiss talaga nila ang isa't isa.
"Heaven my loves!" I yelled and ran towards him. "Wait for me!" Tumabi ako sa kaniya at sumabay maglakad.
"Will you shut up?" kunot-noong aniya. "You're irritating my ears."
Lolo Cane chuckled. "Take it easy, Heaven."
"Lolo oh," nakangusong sumbong ko. "Iyong apo niyo po, ang rude!"
"Don't worry, hija. He's just like that but believe me, he cares for you."
"Really?" Nagliwanag ang mukha ko saka impit na tumili. "I care for you too, Heaven my loves!"
"Lolo?" hindi makapaniwalang aniya. "I didn't say anything like that. I don't care about you, pretzel." Ngumiwi siya. "You're so annoying."
Matamis lamang akong ngumiti sa kaniya. "Love you."
Kumain kami ng lunch sa Seaside Grill restaurant na malapit lang sa beach. Overlooking ang dagat kaya naman tuwang-tuwa kami. Lalo na't malakas din ang ihip ng hangin, presko sa pakiramdam.
Akma nang sasandok si Heaven nang agawin ko 'yon sa kaniya at ako na ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Kasama namin si Lolo Cane sa table na kanina pa nakangiti sa aming dalawa.
"You don't have to do that," he said. "Tsk."
"Hayaan mo na, nagpa-practice ako."
"Ng ano?"
"Para maging asawa mo."
Nag-igting ang panga niya at padabog na kinuha ang kubyertos upang kumain. Ngingiti-ngiti naman akong pinanood siya. Ganado siyang kumain pero napansin kong nahihirapan siya kapag nagbubukas ng crab.
"Ako na," prisinta ko. "Baka masugatan pa ang kamay mo."
Hindi naman siya nagreklamo nang kuhanin ko 'yon sa plato niya. Matapos buksan ay hinimay ko ang laman, maging ang hipon.
"Why do you eat so little?" hindi ko inaasahang tanong niya.
Sinulyapan ko siya at nadatnan siyang nakatingin sa akin. "I'm on a diet."

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romansa"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...