Chapter 29
"THIS IS not dope!" angil ko saka muling nilukot ang papel at basta na lang tinapon. "More frustrating than I thought."
"Ginawa mo na namang basurahan 'tong office mo," natatawang sambit ni Aera, tuloy-tuloy lang pumasok at hindi na kumatok pa. "Anong problema mo?"
Kinuha ko agad sa kaniya ang kumpol ng papel saka pinirmahan 'yon. "Isang linggo ko nang ini-sketch ang gusto ng client pero bakit hindi ko magawa?"
"Ano bang pinapagawa niyang damit?"
"Wedding gown."
"Forte mo 'yon. Bakit nahihirapan ka?"
"Kasi wala siyang binigay na detalye. Ako na raw ang bahala, lalo na't ka-size ko raw ang bride."
"Hindi ba't mas madali 'yon? Hindi siya magrereklamo sa gawa mo dahil hinayaan ka naman niya."
Binalik ko sa kaniya ang mga dokumento at sumandal sa swivel chair. "Ewan ko."
"Ano bang gusto mong disenyo ng wedding gown mo?"
"Eh 'di 'yong bongga. Conservative sa harap pero backless at may slit sa bandang gilid."
"Isipin mo na lang na kunwari, ikaw 'yong magsusuot ng wedding gown. Iyon ang gawin mong design."
Ngumuso ako. "Masusuot ng iba ang gusto kong design."
"Hayaan mo na, marami ka pa namang maiisip na ibang design para sa 'yo. Ang mahalaga makapag-comply ka sa client mo 'no. Sayang 'yan, VVIP pa naman."
"Mysterious naman," irap ko. "Oh anong balita sa event tomorrow?"
"Settled na lahat!" tili niya. "Excited na nga ako!"
"Sure 'yan ha?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Dapat sosyal at elegante dahil si Tita Spirit 'yon."
"Yeah, I know. She's still special for you kahit na sinaktan ka ng anak niya."
"Kailangan talaga binabanggit pa 'yon?"
"Sorry, slip of the tongue." Nag-peace sign siya at lumapit pa sa akin. "Pero paano kung kasama niya si Doc Heaven? Tapos magkikita kayo?"
Ayun na naman ang tanong na paulit-ulit nilang binabalik sa akin ngunit hanggang ngayon ay wala akong masagot.
Maayos na ko. Masaya na ko sa buhay ko ngayon. Matatag na ulit ako. Natuto na ko na may hindi ring magandang resulta ang paghahabol at first move sa lalaki. Nagmukha akong desperada pero kahit na gano'n, masaya rin iyong karanasan.
Subalit ano nga bang magiging reaksyon ko kapag nagkita kami?
Ang isiping iyon ay nadala ko hanggang kinabukasan. Hindi ako mapakali at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Ngayong araw mangyayari ang official public collaboration ng GCL ko at E. S. Cosmetics ni Tita Spirit. Sa wakas ay natuloy din.
Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko at nanginginig iyong sinagot.
"Where are you, Aera? Malapit nang mag-start!"
"Relax ka lang! Ramdam ko kaba mo hanggang dito sa backstage eh!"
Ngumiwi ako. "Maayos na ba ang mga models? Iyong mga damit na suot nila? The make up?"
"Maayos na lahat, madam. Naghihintay na lang ng signal."
"That's good."
Agad ko ring binaba ang tawag nang makita ang ilan kong business partners. Sinalubong ko sila at magiliw na binati gamit ang German language. Hinatid ko rin sila paupo sa kanilang designated seats.
![](https://img.wattpad.com/cover/252826247-288-k870788.jpg)
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...