Chapter 34
"WHAT DID you do for the past year?" tanong ko saka nangalumbaba habang pinapanood siyang magluto.
"Thinking of you." Saglit siyang nag-angat ng tingin at ngumiti. "Missing you."
I rolled my eyes. "Talagang natiis mo ko ha?"
"You don't know how many times I tried to go here."
Tinago ko ang ngiti. "Really?"
"I used my vacation leave just to see you."
"Kung gano'n ay natuloy ka talagang pumunta rito?"
"Yeah, but I chose not to disturb you since I saw how hardworking you are in pursuing your dream as a model."
"So alam mo pala ang nangyayari sa akin?"
Tumango siya. "Aera told me."
"What?" Napataas ang kilay ko. "Nagkakausap kayo?"
"I always asked her about you. I want to know how you doing because if not, I'm getting crazier and crazier every day." Dinampian niya ng halik ang labi ko. "I'm sorry. Don't be jealous."
"Eh bakit 'yong nagpunta ako sa bar hindi mo alam?"
"You sneaked out, didn't inform your parents and friend."
"Do'n ko pa naman nakilala si Jonas."
Tinaliman niya ako ng tingin kasabay nang pag-igting ng panga. "Don't ever mention his name. And don't let him touch you again. I won't think twice to destroy his face, even his whole life."
Alam kong kayang-kaya niyang gawin 'yon dahil isa sa mga makapangyarihang pamilya sa buong mundo ang Hawthorn. Walang-wala ang yaman at estado ng buhay ni Jonas para kalabanin sila. Isang pitik lang ay maaaring mawala ang kinagisnan niyang karangyaan. That's the power of Hawthorn holds.
"Why?" Bahagyang tumaas ang kilay niya, madilim pa rin ang tingin. "Are you thinking of him?"
"Of course not." Mahina akong natawa at yumakap sa bewang niya. "Salita mo pa lang madudurog na ang mga Carter."
"Madudurog talaga sila kapag nakita ko pang lumapit siya sa 'yo at hawakan ka niya. You're mine, Gretel. And I don't want anyone touch my property."
"Yes, doc." Tiningala ko siya at ngumuso. "Gutom na ko."
"Almost done, pretzel." Hinalikan niya ang noo ko. "Now sit down and let me feed you."
I giggled and went back to my chair. Tumabi na rin siya sa akin at sinubuan ako. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa amin sa mga oras, araw at buwan na hindi kami magkasama.
"Heaven?" tawag ko matapos mag-shower. Mabuti na lang maraming extra na bathrobe rito. "Your turn."
"I prepared your clothes on the bed." Mabilis siyang humalik sa labi ko. "Mag-slippers ka rin." Saka siya pumasok sa banyo.
Tumango ako at pumasok na sa kwarto. Ngiting-ngiti ko namang sinuot ang sweatshirt niyang kulay itim at pajama. Tinuyo ko ang buhok gamit ang blower saka sinuklay 'yon. Nasa ganoong posisyon ako nang mag-ring ang cellphone ko at sinagot agad 'yon.
"Yes? Do you need anything?"
"Wow!" bungad ni Aera. "Ang saya ng boses mo ah? Mukhang may good news! Care to share?"
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...