Chapter 11
MATUTULOG na sana ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto. Hinintay kong bumukas 'yon o magsalita ang nasa likod niyon ngunit wala. Nagtataka man ay lumapit ako roon at binuksan.
"Gretel Heinrich!"
Gano'n na lamang ang gulat ko nang may magsaboy ng tubig sa mismong mukha ko! Nabasa rin ang upper body ko dahilan para makaramdam ako ng lamig.
"Stop away from Tyron!" Babae 'yon at galit na galit siya. Hula ko ay fan ito ni Tyron. "You're no good for him!"
Akma niya akong aatakihin nang humarang si Heaven at nilayo ito. Tila ba nawalan ako ng lakas, hindi ako makakilos sa sobrang gitla. Sa tagal ko sa showbiz, ngayon lang ako nakaranas ng ganito.
"Stop," mariing saway ni Heaven sa babaeng patuloy pa rin sa pagsigaw ng masasamang salita sa akin. "This a hospital. If you continue like this, I'll call the police."
Pinagtitinginan na rin kami ng mga pasyente at iba pang tao. Mabuti na lang ay dumating na ang guards at pilit na hinatak ang babae palabas ngunit hindi pa rin siya matigil kalalait sa akin.
Naiwan akong tulala at mabigat ang loob. I don't understand why actresses and models are always hurt in times like this. They don't even know the whole story.
"Ms. Heinrich." Nag-angat ako ng tingin nang lumapit si Heaven. "I think you saw that your presence has affected the orders of our hospital. So please..." He handed a handkerchief. "Go through the discharge formalities as soon as possible."
Nalapirot ko ang dulo ng damit. "You'll let me go?"
"You have recovered." Nilagay niya ang panyo sa bulsa ko.
"What if I don't leave?"
"I'll never see and talk to you ever again. Besides, you're nothing to me." Saka siya naglakad palayo.
Bumagsak ang balikat ko kasabay nang matinding pagkirot sa aking dibdib. Namuo ang luha sa aking mga mata ngunit pinigilan ko at kumaripas ng takbo papasok ng kwarto. Kumuha ako ng towel at pinunas sa sarili.
I'm nothing? People are really harsh. It takes a nobody to point out something like that but they have the guts to say it. They don't know how much it hurts. Like hell.
Mabilis kong dinampot ang mga gamit ko upang isilid sa maleta. Nagpalit din ako ng damit at pinatuyo ang buhok. Nagsuot muna ko ng shades bago lumabas. Nahinto ako sa paglalakad nang makasalubong si Heaven. Wala man lang reaksyon ang mukha niya.
"I get it, you don't like me but I can't believe you came this far," I said. "I didn't even show anything bad to you."
"You're cured but you're still in the hospital. You're affecting other patients and our normal work."
"Yes, I affected your work. Your job is more important than other things." Mapait akong ngumiti. "But have you considered my feelings?"
Pabuntong-hininga siyang pumikit at malamlam ang mga matang deretsong tumingin sa akin.
"You know my feelings towards you but you're not good to me when I was attacked earlier. You even threatened me," I continued. "Dr. Hawthorn, now I finally understand. You really hate me that much."
Hinintay ko siyang tumugon ngunit wala akong napala kaya muli akong nagsalita, "I'm sorry for disturbing your work."
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilagpasan siya. Ni hindi rin ako lumingon, lalo na't unti-unting nadudurog ang puso ko. Nasa kalagitnaan ako nang bigla na lang ako matapilok. Impit ang naging tili ko at mabilis na kumapit sa upuan. Nabali ang takong ko.
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romantik"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...