Chapter 25
"Gretel, apo."
Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Lolo. Kinusot ko ang mga mata ngunit wala akong ibang makita kundi kulay puti.
"Nasaan po ako?" inosenteng tanong ko. "Bakit po ako narito?"
"Kung nahihirapan kana, sumama kana sa akin." Saka niya nakangiting nilahad ang kamay.
Nagtataka man ay nanatili akong nakatayo at bumalik sa alaala ko ang nadatnang senaryo sa bundok. Agad na bumuhos ang luha ko kasabay nang pagkirot sa aking dibdib.
Tumango ako. "Nahihirapan na po ako..."
"Halika na, apo. Dito hindi ka mahihirapan ng ganiyan. Miss na miss na rin kita."
Aabutin ko na sana ang kamay niya subalit nakarinig ako ng halo-halong boses at pamilyar 'yon sa akin.
"Gretel!" Malakas na palahaw ng iyak, humahagulgol. "Ate! Gising! 'Wag mo kaming iwan!"
"Apo, kasama mo ako. Kami ng lola mo."
"Hindi, apo." Biglang nagpakita si Lola. "Bumalik ka sa kanila. Marami ka pang kailangang gawin."
Ngumiti ako at tumalikod ngunit hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Lalo na nang makita kong tinalikuran din ako ni Heaven.
NAPABALIKWAS ako ng bangon. Hingal na hingal ako at dama ko ang pagtagaktak ng pawis sa aking buong katawan. Napayuko rin ako kasabay nang paghikbi.
"Gretel..." Tinig 'yon ni Rocket saka humawak sa kamay ko. "Sshh, calm down. You're safe now."
"Si...Heaven?" mahinang usal ko. "Nasaan si Heaven?"
"Nakailang beses kang ni-revive dahil sa hina ng pulso mo pero si Heaven pa rin ang iniisip mo?" malamig na sabat ni Storm, hindi ko inaasahan. "Tss."
Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ang nag-aalalang mukha ng mga kaibigan ko.
"We knew what happened," Shadow mumbled calmly but his forehead creased. "And I don't like everything about it. Especially Tyron and Heaven."
"Ano bang pumasok sa isip mo, ate?" litanya naman ni Snow. "Alam mong delikado pero tinuloy mo pa rin ang pag-akyat sa bundok."
Umiling ako. "Nasaan siya?"
"Tinignan niya lang ang kalagayan mo tapos umalis na para bumalik sa medical mission," nakangiwing wika ni Storm. "I am very disappointed."
Lalo akong napaiyak. "Kasalanan ko naman."
"Anong kasalanan mo?" naiinis na buwelta ni Rocket. "Kasalanan ni Tyron 'yon! At ito namang si Heaven, naniwala agad sa nakita sa inyo."
"Hindi pwede." Tinanggal ko ang dextrose at tumayo. "Pupuntahan ko si Heaven. Magpapaliwanag ako."
"Ate, 'wag muna ngayon," pigil ni Snow. "Hindi pa maayos ang lagay mo."
"Hindi ako mapapakali hangga't hindi kami nagkakaayos. Kaya tumabi ka r'yan."
"Gretel," Shadow said in warning tone. "Don't be stubborn and listen to us."
"Paniniwalaan niya ko kapag narinig na niya ang paliwanag ko!" hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa halo-halong emosyon na dumudurog sa aking katinuan. "Kailangan ko siyang puntahan!"

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...