Chapter 3
GANO'N na lamang ang tuwa at excitement ko nang magyaya ang pamilyang Hawthorn na mag-overnight kami sa tinutuluyan nilang bahay. Pansamantala lang naman kasi sila rito at babalik din sa Pilipinas.
Nasa Pilipinas din naman ang mga magulang ko pero nakasanayan ko nang mamuhay dito sa Germany, lalo na't narito ang trabaho at business ko. At laking pasasalamat ko rin na babalik ako ng Pilipinas para sa modelling career ngunit mas malaki ang parte na araw-araw kong makikita si Heaven doon.
"Overnight lang naman tapos ang dami mong dala?" ngiwi ni Aera. Nadatnan ko siyang naglilinis ng condo unit ko kahit na gumagastos naman ako for cleaning service. "Isang maleta pa."
Umismid ako at nagpatuloy sa pag-aayos. "I need to look beautiful kahit nasa bahay lang. Nando'n si Heaven."
"At patay na patay ka naman sa kaniya agad?"
"Who would not like Heaven Hawthorn? He's the most handsome doctor I've ever met! Suplado pero isa 'yon sa mga asset niya."
"Baka hindi kana makaahon sa pagkakahulog ah?"
"I won't mind. I'm willing to stay like this until he likes me back."
"You're really crazy."
"Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo pa siya nakikita sa personal."
"Hindi mo naman kasi ako sinama!"
"At hindi rin kita isasama ngayon," halakhak ko.
"Talagang hindi dahil hindi naman ako invited."
"Next time, Aera." Kinindatan ko siya at masayang lumabas habang hatak ang maleta.
Habang nagmamaneho ay hindi ako mapakali. Gusto ko na ulit siyang makita. Pakiramdam ko ay hindi na buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Gano'n ko na siya kagusto. At kung dati hindi ako naniniwala sa love at first sight, binabawi ko na 'yon ngayon.
"Parang sasama kana sa kanila pabalik ng Pilipinas ah?" biro ni Rocket nang makita ako. Siya na rin ang nagbitbit ng maleta.
"Nasa loob ba siya?" tanong ko.
"Oo." Umakbay siya sa akin. "Totohanan na talaga 'yan?"
"Kailangan ba ko nagloko? At kung sakali, siya ang magiging first boyfriend ko," ngiti ko saka sumayaw. "Lalala!"
"Sabagay, sa kuwento ko pa lang sa 'yo noon, gusto mo na siya."
"Wala ka naman kasing pinapakitang picture niya dati," untag ko pa. "Pero ayos lang, nakakakilig naman 'yong first meet namin."
"Hindi ko lang matanggap na ikaw ang nagfirst move," iling niya. "Alam mo ba ang dating no'n sa mga lalaki?"
"I know they love girls like that. Kayo lang naman ni Shadow ang taliwas do'n."
Ngumiwi siya. "It's weird, Gretel."
"Today, women are as independent as men and are breaking boundaries in the roles they play in relationships." Matamis akong ngumiti. "I think the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn’t always the man."
"So you think Heaven appreciated your move?"
"Yes."
Hinigit ko pataas ang suot na maong shorts at sosyal na lumakad papasok ng bahay. Nadatnan ko ang mga kaibigan kong naglalaro ng computer games.
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romansa"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...