Chapter 24
"WE HAVE already apologized," natatarantang usal ni Aera. "And they accepted it but the stock price is still the same."
Nahilot ko ang sentido. "That's why I always made sure na malinis ang lahat bago i-deliver sa client." Inis akong bumuntong-hininga. "Ang hirap talaga kapag wala ako roon."
"Don't worry, mamaya na ang flight ko pabalik ng Germany. Malalaman ko na kung sino ang nakaiwan ng karayom."
"Pagkakamali ng isa, pagkakamali ng lahat. Dala niya ang pangalan ng GCL so definitely sa akin ang sisi."
"Don't stress yourself. Ako nang bahala ro'n." Hinagod niya ang likod ko. "Ang isipin mo na lang ay 'yong trabaho mo rito."
"Pero hindi pa rin ako mapakali. Kompanya ko 'yon eh. Pinaghirapan ko 'yon."
"Hindi rin naman pwedeng maapektuhan ang modelling career mo. Matagal mo na 'tong pangarap, Gretel."
"I know. It's just that..." Napayuko ako at ginulo ang buhok. "It's so frustrating. I can't even think properly."
Wala na rin siyang nasabi pa at yumakap na lang sa akin. Dalawang araw na ang lumipas matapos ang problemang 'yon pero ganoon pa rin ang resulta sa GCL. Mabuti na lang talaga ay walang nakaalam niyon mula sa media. Makakaya pang lutasin ng tahimik.
"Ms. Gretel?" tawag ng isang staff. "Next na po kayo."
Tumango ako. "I'll be there."
"Alisin mo muna 'yon sa isip mo. Mag-focus ka sa work."
"Thanks, Aera." Tipid akong ngumiti saka pinisil ang kamay niya. "You helped me a lot."
"Employee slash friend mo kaya ako! Go na!"
Pagdating ko sa studio ay nakahanda na ang lahat. Bagong photographer ang makakatrabaho ko ngayong araw dahil mula raw ito sa kompanya ng ine-endorse kong swimwear. Sinabihan niya ako ng gusto niyang mangyari kaya naman sumang-ayon agad ako para mapaganda iyon.
Iba't ibang kulay at disenyo ng swimsuit ang pinasuot sa akin. Maging ang paborito kong corset brassiere. Ilalagay ang lahat ng mapipiling best pictures sa isang catalog at iyon ang imamarket hanggang makakuha ng mga bigating customers.
"Hi, Gretel!" masayang bati ni Pevee nang mapadaan. Magkatabi lang kasi ang studio namin na ginagamit ngayon. "Having fun?"
"Yeah." Pilit akong tumawa. "Si Tyron?"
"May shooting sa labas."
"Kayo na ba?" nanunuksong bulong ko.
"Hindi." Ngumuso siya pero hindi ko sigurado kung tama ba 'yong nakita ko na umirap din siya. "Ikaw ang gusto niya eh." Saka siya naglakad paalis.
Kumamot ako sa ulo dahil hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. "Anong problema no'n?"
"Nagseselos 'yon," umiismid na sabat ni Aera na nasa likod ko na pala at inaayos ang buhok ko. "Feeling ko nga siya 'yong naglagay ng box sa condo mo."
"Huwag ka ngang magbintang," saway ko. "Hindi niya magagawa 'yon. Mabait siya."
"Magkaiba ang mabait sa nagbabait-baitan kapag kaharap ka."
"Basta, hindi siya gano'ng babae," giit ko pero umiling lamang siya.
Nang muli akong sumalang sa photoshoot ay naging okupado na naman ang isip ko tungkol sa GCL. Nawala ako sa konsentrasyon kaya napagalitan ako ng photographer dahil nakailang ulit kami ng pagkuha sa litrato. Nagpaumanhin na lamang ako at hinusayan ang posing.
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romansa"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...