Chapter 8
"GOOD LUCK, ate," nakangiting wika ni Snow. "I baked cookies. Magbaon ka."
"Thank you." Kinuha ko ang binigay niyang maliit na tupperware. "Aalis na ko ha? Ikaw na munang bahala rito sa bahay."
Tumango siya. "Take care!"
Habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Heaven pero hindi siya sumasagot. Gusto ko lang naman sabihin sa kaniya na ngayon ang unang araw nang pagpasok ko sa modelling agency. At baka sakaling bigyan niya ako ng encouraging words. Pero halatang busy siya.
Ayaw ko rin muna siyang puntahan dahil alam kong mas mahalagang makasama niya ang pamilya. Lalo na ngayong bumalik na si Tita Spirit, ang mommy nila ni Storm na matagal nilang hindi nakasama. They all need to spend time together, para makabawi sa mga panahong wala ito.
I already met Tita Spirit and we got along easily. Lalo na't parehas kaming business-minded. In fact, may collaboration kaming pinaghahandaan.
Dalawang linggo na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang pool party ngunit hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang dulot nitong kasiyahan. Marami na ring nangyari sa dalawang linggo ngunit hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko.
Hindi rin mawala sa isip ko ang naging tugon niya bago matapos ang araw na 'yon. Parang sinasabi niya sa aking manatili akong baliw para mas lumalim pa ang pagkagusto ko sa kaniya. Pinaparating ba niyang ituloy ko ang nararamdamang ito? Gusto niyang gustuhin ko pa siya?
Na balang araw ay posibleng masuklian niya? Kinilig naman ako sa sariling interpretasyon.
Sinuot ko ang shades bago bumaba. Sumunod din agad sa akin ang make up artists at hair stylist ko. Bawat madaraanan ay lumilingon sa gawi ko nang may nagugulat at namamanghang mga mata. Hindi nila alam ang pagdating ko ngayon dahil ginawa kong pribado ang lahat.
"Nice to finally meet you in person, Ms. Gretel Heinrich," magiliw na sambit ng lalaking CEO. Nilahad niya ang kamay kaya tinanggap ko naman 'yon. "Have a seat."
Maingat akong umupo sa sofa at pinagkrus ang mga hita. "Thank you for meeting my demands."
"I'm happy to pleased you and of course, for signing the contract." Matamis siyang ngumiti. "You're really beautiful."
"So shall we start?"
"Wait, you went here alone? Where's your agent?"
"She's in Germany and it's fine. Sa akin mo na lang ipaliwanag ang mga gagawin ko."
"Who told you?" Nangibabaw ang pamilyar na tinig.
Halos mapatayo ako sa gulat nang bumaling sa pinto. "Aera..."
"Hi!" kaway niya. "I'm sorry, I'm late. Naipit ako sa traffic kanina." Nakipagkamay siya sa CEO. "Nice to meet you."
Ngumiti ito. "Great."
"What are you doing here?" tanong ko nang tumabi siya sa akin. "I told you to stay there and protect GCL."
"Nakalimutan mo yatang may isa ka pang trusted secretary do'n?" Tinaasan niya ko ng kilay. "And I won't let you work here without me."
"That's what I'm saying," sabat ng CEO. "Almost all models work with agents. It's easier for us to transact and manage."
"Okay, fine," ngiti ko. "Shall we start?"
"I saw your portfolio and composite cards. I'm amazed with your overall look but still, I've decided to make you under a one month probationary period."

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...