Chapter 13
WALANG kalagyan ang saya ko kinabukasan. Mula pagligo hanggang pagbibihis ay nakangiti ako at paulit-ulit na binubulong ang sinabi niya kagabi.
"You got good news, huh?" ngisi ni Shadow nang makasalubong ko siya.
"Yes." Hinawakan ko ang summer dress sa magkabilang gilid at umikot. "I'm so special!"
Natawa siya at umakbay sa akin. "Tara na."
"Hands off," tanggi ko. "Baka magselos ang my loves ko."
Napangisi na lang siya at sabay kaming naglakad palabas ng villa kasama ng aming mga kaibigan. Nadatnan naming naghahain ng almusal sina Storm at Hiro. Ang aga nilang nagising para i-set up ang long table sa seashore.
Magana naming pinagsaluhan 'yon habang masayang nagkukwentuhan. Hindi ko rin akalain na kusang tatabi sa akin si Heaven kaya naman lalo akong natuwa. Tinukso pa kami ng mga magulang niya hanggang sa awayin na naman niya ko.
Our first activity for today is jetskiing. Nanguna pang sumakay ang mga may edad na, maging ang mga magkakapareha. Tuwang-tuwa nilang pinaandar ang jetski at nag-exhibition pa.
"Why are you still standing there?" Nangibabaw ang tinig ni Heaven. Paglingon ko ay nakasakay na siya sa jetski at may suot pang shades. "Come on, pretzel."
Ngiting-ngiti ko namang inabot ang kamay niya. Lalo na nang alalayan pa niya akong makaangkas sa likod niya. Gustong-gusto kong tumili ngunit pinipigilan ko lang. Baka marindi siya at ayaw kong masira ang moment na 'to.
"Hug me," he whispered. "Tight."
Nakagat ko ang labi at sinunod ang kaniyang sinabi. Pinaandar niya 'yon at humarurot patungo sa aming mga kaibigan. Sabay kaming natawa nang matalsikan ng tubig. Hinawi ko naman ang hibla ng buhok niyang humarang sa mata.
"I love you, Heaven my loves!" sigaw ko.
"I hate you, pretzel!"
Ngumuso ako pero napatawa rin nang makita siyang nakangiti. Kung gano'n ay opposite 'yon? Agad din akong kinilig sa naisip.
Umikot siya at pumantay sa jetski ng aming mga kaibigan. Nagkatinginan pa kaming lahat na para bang nagkasundo sa iisang layunin. Saglit lang ay nagkaroon na ng paligsahan hanggang makapunta sa dalampasigan.
Narinig ko ang malakas na hiyawan ng panunukso mula sa aming mga kaibigan nang alalayan akong makababa ni Heaven. Imbes na ngumiti ay umawang ang labi ko sa gulat nang hawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad.
"Aba! Umaariba na kayo ha?"
"Biglang nag-iba ang ihip ng hangin!"
"Wow! Bagay pala talaga sila 'no?"
Sabay na nangunot ang noo namin nang makalapit sa kanila.
"What are you saying?" I asked.
Nagkatinginan sila at sabay-sabay na ngumiti. "Kayo na ba?"
"No," mabilis na tugon ni Heaven. "Never."
Napanguso ako. "Kanina lang masaya tayo ro'n ah?"
"Kanina 'yon," ngiwi niya. "Tsk."
Ngumisi si Shadow. "Eh bakit magka-holding hands kayo?"
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na nanlaki ang mga mata. Pabato niyang binitawan ang kamay ko at bahagyang lumayo. Lihim akong napangiti kasabay nang pag-init ng aking pisngi. Hindi ko akalain na matagal palang magkahawak ang aming kamay.

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...