Chapter 21

527 22 5
                                        

Chapter 21

"YOU TOLD me you don't have a habit of eating snacks at midnight?" nakangusong tanong ko habang pinapanood siyang gumawa ng sandwich.

"Yeah, but I want to try since you like it."

Ngumiti ako. "Really?"

Tumango siya at gano'n na lang ang gulat ko nang ipahid niya ang peanut butter sa labi ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang niya ako.

"You're so cute, pretzel."

Mabilis akong tumabi sa kaniya at kinuha ang bote ngunit tinaas niya 'yon. "Akin na 'yan! Gaganti ako!"

"Hindi mo kayang abutin 'no?" pang-aasar niya. "You're small."

"Matangkad kaya ako!" Tumalon ako upang abutin 'yon pero lalo niyang tinaas. "My loves naman eh!"

Sa muli kong pagtalon ay hinagkan niya ang bewang ko. Muntik nang malaglag ang bote ng peanut butter at mabuti na lang ay nasalo ko. Nang magbaba ako ng tingin ay gano'n na lang kalapit ang mukha namin sa isa't isa.

Marahan kong nilapat ang mga paa sa sahig nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Pinasadahan niya ang mukha ko nang may buong pagkamangha saka tumitig sa aking labi. Napalunok ako at dama ko na agad ang init sa pisngi ko.

"Do you want to know the taste of that peanut butter?"

Bago pa ako makasagot ay sinakop na niya ang labi ko. Kahit anong tuon kong lasahan ang peanut butter ay nahihigitan niyon kung gaano katamis ang kaniyang labi. At sa tuwing magdidikit ang aming katawan ay para bang nadadala ako sa langit.

Sa tagal ng halik ay hindi ko na alam kung saan pa ibabaling ang ulo. Ramdam ko ang paghugit ng ngiti sa labi niya nang tumugon ako gaya nang paraan niya. Marahan, ninanamnam ngunit mariin at maalab.

Sabay kaming naghabol ng hininga nang huminto at tumitig sa isa't isa. Hinaplos niya ang pisngi ko saka muling dinampian ng halik ang labi ko.

"That night..." mahinang aniya. "You impressed me."

Nangunot ang noo ko. "Huh?"

"The night you brought a trolly of midnight snacks in my office."

Napapikit ako sa hiya at yumuko. "Natandaan mo pala."

"You're really something, my Gretel."

Lumayo ako at tinakpan ang mukha. Ngayon lang nagsi-sink in sa akin ang ginawa kong kabaliwan dati. Sinabi ko kay Aera na hindi ko siya aakitin pero parang gano'n na nga ang nagawa ko.

"Come on. Let's go upstairs."

Nagtataka man ay sumunod ako sa kaniya paakyat habang hawak ang plato na naglalaman ng avocado toast. Nasa kaniya naman ang peanut butter at jelly sandwich.

"Woah!" Agad kong binaba ang plato sa mesa saka nilapitan ang telescope. "This is so dope!" Kulay puti iyon at sobrang kinis. "What kind of telescope is this?"

Nakangiti siyang umupo sa tapat niyon. "It's Meade Instrument LX85 115 mm APO. It is designed for astrophotography and astro-imaging. It also comes with Meade's AudioStar controller that offers the ability to connect to a PC for additional fuctionality using optional software."

Umawang na lamang ang labi ko sa narinig. Hindi ko naintindihan. Basta ang mahalaga ay masisilip ko ang mga bituwin nang malapitan.

"It looks quite expensive," komento ko pa saka hinaplos 'yon. "What's the price?"

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now