Chapter 10
KINABUKASAN, dinalaw ako ng mga kaibigan ko at dinalhan ng maraming pagkain ngunit puro gulay 'yon. Wala man lang meat kahit isa. Nagpasalamat na lang ako kaysa magreklamo dahil alam kong nag-aalala sila sa kalusugan ko.
"Kamusta na si Storm?" tanong ko. "My sister-in-law."
"Busy," tugon ni Shadow. "She knew about your condition but she can't visit you."
"I understand," ngiti ko. "Nandito naman si Heaven."
"Naikwento sa akin lahat ni Aera ang mga ginawa mo," naiiling na wika ni Rocket.
"Grabe ka, ate," tawa ni Snow. "To the highest level!"
"I'm sure he was moved by my actions." Hinawi ko ang buhok. "So ano ang chika? Alam kong may hidden agenda rin ang pagpunta niyo rito."
"We're going to Maldives for vacation," anunsyo ni Shadow. "Doon na rin magpo-propose si Hiro kay Storm."
"Oh, my brother-in-law." I giggled. "When?"
"Next week. Kaya tapusin niyo na ang mga kailangang gawin sa trabaho."
Ngumiti ako. "Sure!"
"And don't ever mention it to Storm," banta ni Rocket. "Surprise 'yon."
"Huwag ka munang dumaldal, ate."
Ngumuso ako. "Oo na!"
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan habang masigla akong kumakain. Natigil lamang kami nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Aera.
"Why didn't you tell me?" taas-kilay na aniya nang makalapit sa akin.
Nangunot ang noo ko. "Ang alin?"
"Na kasama mo pala sa aksidente si Tyron."
"Ano..." Umiwas ako ng tingin. "Kasi..."
"Maayos siya tapos ikaw lang ang napuruhan? Bakit gano'n? Ano ba talagang nangyari sa inyo ha?"
"Oo nga," segunda ni Rocket. "Pangalan mo lang din ang nabanggit sa balita."
"Sumagot ka, Gretel," mariing asik ni Aera.
"You protected him?" kunot-noong bigkas ni Shadow.
Ngumuso ako at hindi nakakuha ng marapat na salita.
"My gosh, Gretel!" atungal pa ni Aera. "Mas inalala mo pa ang kalagayan niya kaysa sa 'yo? Seriously?"
"Hindi ko naman intensyong ilihim 'yon," bulong ko sabay kutkot ng kuko. "Ayaw ko lang masira ang career ni Tyron."
"What about yours? Hindi mo inisip?"
"Naisip pero matagal naman na kong nasa industriyang 'to eh. Ang dami ko nang pinagdaanan. Mas malala pa kumpara sa aksidenteng 'to."
"Talagang pinagtatanggol mo pa si Tyron ha?"
"Hindi naman sa gano'n," buntong-hininga ko. "Ang akin lang, nasa peek na siya ng kasikatan at ayaw kong sirain 'yon."
"Hindi naman maaapektuhan ang career niya sa aksidente," sabat ni Shadow. "Made-delay lang."
"Pero ang na-delay ay ang iyo," dugtong pa ni Rocket.
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romantik"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...
