Warning: Mature Content.
Chapter 33
"EXCUSE us," Heaven said politely. Binitawan niya ang bewang ko ngunit agad ding humawak sa kamay ko at hinatak ako paalis.
Halos mapayuko ako sa hiya nang makasalubong ko ang mga empleyado kong may mapanuksong tingin. Naririnig ko rin ang bulungan nila tungkol kay Heaven at hindi ko akalain na kilala nila ito. Naroon pa si Aera sa tabi, nakangisi, suportado sa ginagawa ng doktor.
"Where are we going?" tanong ko nang tuluyan kaming makalabas ng gusali.
Hindi siya kumibo, nanatiling seryoso ang mukha at pinadaanan ako ng matalim na tingin. Galit ba siya? Mabilis niya akong sinakay sa passenger's seat ng sports car niya. Tinanggal niya ang suot na trench coat bago sumakay at paandarin ang makina.
"Heaven..." mahinang usal ko. "Saan ba tayo pupunta? May trabaho pa---"
"Shut up."
Agad kong tinikom ang bibig at napayuko. Lalo na nang mapansin ko kung gaano kadilim ang mukha niya at halos lapirutin na ang manibela sa sobrang higpit ng hawak. Napanguso na lang ako pero naroon ang tuwa dahil hindi siya umalis ng bansa.
He really wants to come home with me, huh?
Huminto ang sasakyan sa tinutuluyan nilang hotel at ayun na naman ang paghatak niya sa akin pababa hanggang marating ang executive suite.
"Who's that guy?" he asked coldly. Napaamang ako nang tanggalin niya ang necktie at isa-isang inalis ang butones ng suot na polo. "Answer me, Gretel."
Napalunok ako. "Si...Jonas Carter."
"I don't care about his fvcking name." Tinaliman niya ako ng tingin habang ina-unbuckle ang Gucci belt. "Who's that guy in your life?"
Napatulala ako nang alisin niya ang suot na pantalon at ang natira na lang ay boxer shorts. "W-Wala. Nakilala ko lang siya sa...bar."
Lumapit siya sa akin dahilan para mapaatras ako at tuluyang sumandal sa pader. "You went to bar, huh?"
"Heaven..." Gano'n na lang ang kabog sa dibdib ko nang alisin niya ang suot kong coat. "What are you doing?" Nagulat na lang ako nang wasakin niya ang lace blouse ko at tanging matira na lang ay ang corset brassiere ko.
"I should be the one asking you that." Amoy na amoy ko ang magkahalong Gucci perfume at mabango niyang hininga nang ilapit sa akin ang mukha. "What are you doing there?"
"I'm...working." Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang aking leeg. Yumuko rin siya upang alisin ang ankle boots ko at sinunod din ang slacks. "Heaven..."
"Working?" Binalik niya sa akin ang tingin at ngayon ay malamlam na ang kaniyang mga mata. "That guy touched you." Bahagyang tumaas ang kilay niya at nag-igting ang panga. "And he wants to marry you? Fuck ít."
Hindi na ako nakapagsalita pa nang sakupin niya ang labi ko. Isang mapusok na halik ang aming pinagsaluhan. Ayun na naman ang paraan niyang maingat ngunit mariin at maalab. Dalang-dala ako kaya nang humiwalay siya ay humabol pa ako.
"Is he the guy you love right now?" Gumuhit ang sakit at galit sa mga mata niya. "I can't believe you've fallen for him."
"I did not." Nakaramdam ako ng matinding sensyasyon nang haplusin niya ang likod ko. "And I don't love him."
"Oh really?" Namalayan ko na lang na tanggal na ang bra ko at para siyang batang sumubsob sa dibdib ko. Napaungol ako kasabay nang pagsabunot sa buhok niya. "Why would I believe you?"
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Storie d'Amore"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...
