Chapter 22
"ARE YOU really okay, ate?" kunot-noong bigkas ni Snow. "Nakakadalawang cart kana ah?"
"Asahan mong may pangatlo pa," natatawang hirit ni Rocket. "Ganiyan naman 'yan kapag wala sa mood."
Umakbay sa akin si Shadow. "What happened?"
Kasalukuyan kaming nasa mall. Tinawagan ko sila para maiba naman ang kasama ko sa shopping spree maliban kay Aera. At napuno ko na ang dalawang cart ng mga pinamiling bagong damit.
"Nothing," nakangiti kong tugon. "Gusto ko lang kayong makasama. Sobra ko kayong namiss eh."
Nagkatinginan pa sila at sabay-sabay na napailing, tila hindi naniniwala. Nang dumako sa footwear section ay dampot lang ako nang dampot sa nakikita kong heels at sandals.
"I'm hungry na," nguso ni Snow. "Let's eat, ate."
"Sure. My treat." Kumindat ako at nangunang lumabas. Iniwan ko muna sa cashier ang mga pinamili dahil hindi pa sila tapos ibalot.
"Tsk, tsk," iling ni Rocket. "Masakit ba?"
Nangunot ang noo ko. "Ang alin?"
"NLR."
"Ano 'yon?"
"No Label Relationship."
Natawa ako. "Masaya, para ka lang naglalaro."
"Naglalaruan ng feelings?" anang ni Shadow.
"Iyong ma-scam nga lang 'yong pera mo online masakit na, 'yon pa kaya?" biro ni Snow saka siya nag-peace sign.
"Iyong akala mo going strong kayo. Iyon pala going wrong." Saka ako tumawa.
"So suko kana?" ngisi ni Rocket. "Hindi mo na kaya?"
"May sinabi ba kong sumusuko na ko? Nagpapahinga lang ako, uy."
"I really admire your strength and the braveness of your heart, ate," bungisngis ni Snow.
"Pero may limitasyon din ang puso," seryosong anas ni Shadow. "Napapagod 'yan kapag sobrang sakit na."
Ngumisi ako. "'Wag kang mag-aalala, gagapang ako pauwi kapag hindi ko na kaya."
"What's with the gloomy atmosphere?" malamig na entrada ni Storm. Pansin ko na ang maliit na umbok sa tiyan niya, buntis ang sister-in-law ko.
Inalalayan naman siyang makaupo ni Shadow. "Look at Gretel if you want to know the answer."
Umismid ako. "Not dope, dude."
"Sinaktan ka ba ni Kuya Heaven?" iyon agad ang tanong niya, diretsa, walang preno. "Pinaiyak kana naman niya?"
Kumunot ang noo ko. "Na naman?"
"I saw you before leaving your agency building with puffy eyes."
"It's fine."
She heaved a deep sigh. "What do you want to talk about?"
"I called you because I want to see you. I miss you, my beloved friend."
Ngumiwi siya. "Cut it."
"I just want to know about the investigation. May lead na ba kung sino ang nagpadala ng box na 'yon sa condo ko?"
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...
