Chapter 17

500 24 4
                                    

Chapter 17

I WOKE up dizzy. A really bad feeling that I couldn't barely move comfortably. Pero hindi nakikisama ang tiyan ko dahil sa matindi nitong pagkalam. Nawala na sa isip kong kumain ng dinner kagabi dahil sa sakit.

Pinilit kong bumangon at humawak sa pader bilang suporta. Dumeretso ako ng lakad palabas ngunit natigilan din ako nang makita si Heaven. Naroon siya sa kitchen island, nakasuot ng pulang apron habang seryosong naghihiwa ng kamatis. Nasa gilid niya ang niluluto at pabaling-baling doon.

Natagpuan ko na lang ang sariling nakatitig sa kaniya. At hindi ko na napigilan ang pag-awang ng labi ko sa paghanga kung gaano siya kagwapo magluto. Ayun na naman ang malinis, pino at maingat niyang kilos.

There is no such person as him able to cut tomatoes in this graceful manner. He's so gentle.

Nang maramdaman kong lilingon siya sa gawi ko ay agad akong naglakad subalit huli na nang makita ko ang divider. Nauntog na ko at nawalan ng balanse.

"Pretzel!"

Mabilis siyang tumakbo at humawak sa bewang ko. Yumakap ako sa kaniya at tinuon doon ang bigat pero hindi ko akalain na parehas kaming babagsak sa sofa!

Nagsalubong ang aming mga mata at tumitig sa isa't isa. Dumako ang pansin ko sa mamula-mula niyang labi at nababaliw na lumunok. Natauhan din ako nang maramdaman ang pagpisil niya sa bewang ko. Dagli akong bumangon at nanghihinang naupo sa couch.

"I'm sorry," bulong ko. "Hindi ko sinasadya."

Tumayo siya at lumapit sa akin. Nasundan ko rin ng tingin ang pag-upo niya sa harap ko upang magpantay ang aming mga mata saka hinipo ang noo ko.

"How are you feeling?" malambing na aniya. "Dizzy?"

Marahan akong tumango. Kakaiba talaga ang talento ng mga doktor. Kayang-kaya nilang hulaan ang nararamdaman ng pasyente. Pero ramdam kaya niya ang lungkot ko?

"You better stay in bed. Bakit ka lumabas? Do you need anything?"

"I'm hungry."

"Oh, right. The breakfast." He patted my head and hurriedly went back to kitchen.

"Wala ka bang duty?"

"Meron."

"Finish it then you can go back to work."

Hinilig ko ang ulo sa sandalan at pumikit. Ayaw kong makita ang reaksyon niya. May trauma na yata ako sa tuwing iiwas siya ng tingin at yuyuko. Ang sakit eh.

"But I cancelled it."

"You're a doctor, Heaven. It's not something you can neglect."

"I mean, nakipag-swap ako ng duty kay Xavier."

"Bakit?"

"To take care of you."

Natameme ako at lihim na ngumiti. Now he cares for me, huh? Natauhan kaya siya sa sinabi ko kagabi?

"I already called your personal assistant that you'll be absent in work today."

"Si Aera?"

"Yeah."

"Eh 'di magkakaroon pala ako ng oras para asikasuhin naman ang GCL."

"No. You need to rest. Bumaba lang ang lagnat mo pero hindi pa nawawala."

"Tulad mo."

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now