Chapter 14

495 19 4
                                        

Chapter 14

"TAKE CARE po, tita." Bumeso ako kay Tita Spirit bilang pamamaalam. "Thank you po sa sosyal na vacation."

Kararating lang namin sa Pilipinas at nang makababa sa private plane ay isa-isa nang nagpaalam ang mga kaibigan namin. Babalik na ulit kami sa reyalidad.

Matamis siyang ngumiti. "You can visit us in our home, Gretel. You're very much welcome."

Nakaramdam ako ng hiya kaya muli na lamang akong ngumiti.

"Don't forget what I've told you, huh?" aniya pa.

Nangunot ang noo ko. "Which one po? Ang dami po no'n eh."

"Our dream collaboration in business. My E. S. Cosmetics and your G Clothing Line."

"Of course, tita. I'll never forget that since I'm working on it."

"The other one too." Lumapit siya sa akin at bumulong, "'Di ba I want Heaven to be one of your models in GCL?"

"Ah, that," alanganin kong tawa. "I still remember naman po, tita. Pero mukhang hindi naman po gusto ni Heaven."

Tumaas ang kilay niya. "Who told you?"

"Siya po. Tumanggi siya dahil ayaw niya akong makatrabaho."

"That was before, hija. But now I think he'll do it."

Umiling ako. "Busy po siya sa trabaho. Imposibleng masingit pa niya 'yon sa oras niya."

"Trust me." Kumindat siya at nginuso ang anak.

Nilingon ko naman 'yon at hindi ko inaasahang nakatingin na pala sa akin si Heaven.

"One look is enough to get his answer, hija." Ngumisi siya at kumaway sa akin. "I'll see you soon, daughter-in-law."

Lalo akong napangiti. She already acknowledged me as her in law. My gosh! This is dope! Kailangan ko yatang magpa-party kahit na kagagaling ko lang sa pagliliwaliw. Sinundan ko sila ng tingin paalis habang lumulundag ang puso ko sa saya.

Hahatakin ko na sana ng maleta nang may umagaw niyon. Gano'n na lang gulat ko nang makita si Heaven.

My forehead knotted. "You still here?"

"I'll take you to your condo. Let's go."

At ayon na nga ang pagkabog ng dibdib ko nang hawakan pa niya ang kamay ko at hatakin paalis.

"Anong nakain mo?" ngiti ko nang makasakay kami sa kotse niya.

"The one we ate before leaving Maldives."

"I mean, what's with you? Bakit bigla ka yatang naging sweet?"

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi ngunit wala akong nakuhang tugon. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na kinuwestyon pa dahil baka nagising na siya sa katotohanan. Sa katotohanang gusto rin niya ako.

Umaasa ako dahil handa akong masaktan. Pwera na lang kung dumating ang bagay na kinatatakutan ko. Iyon ay ang hindi kami magkatuluyan. Aaminin kong nasaktan talaga ako sa naging usapan namin ng mga kaibigan ko. Nang dahil sa what if na 'yon ay namuo ang takot sa puso ko.

Umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko kaya dali ko iyong kinuha at sinagot ang tawag. "Why?"

"Kamusta?" bungad ni Aera. "Sobrang saya ba?"

Pinigilan kong tumili dahil katabi ko pa si Heaven at kasalukuyang nagmamaneho. "Yes. Absolutely."

"So pauwi kana?"

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now