Chapter 18
HINAWAKAN ni Heaven ang likod ng ulo ko na parang sa ganoon niya mas maaangkin ang aking labi. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko na kahit anong tuon ko sa malambot niyang labi ay para bang may pakpak ang isip ko at kung saan-saan ito naglalayag.
I don't know how many times I dreamed this moment to life. And now that it became a reality, the flutter only intensified. There was raw emotion in the way his fingers curled around me.
Binitawan niya ang labi ko upang titigan ako nang ganoon kalapit, bahagyang nakadagan habang nakatunghay sa akin. Dama ko kung ganoon kainit ang pisngi ko ngunit hindi man lang ako sapian ng hiya. Pinanatili ko ang tingin sa kaniyang mga mata, tila nakatitig ako sa kalawakan dahil sa ganda niyon.
"When I look into your eyes, I see a gateway to a world I want to exist in," I whispered.
"Live in it, then. Live in my world forever, Gretel."
Hinaplos ng daliri niya ang labi ko habang titig na titig doon. Minsan pa niyang pinasadahan ng tingin ang mukha ko nang may buong pagkamangha at muling inangkin ang aking labi.
Matagal. Sobrang tagal na tila ganoon niya katagal ginustong gawin 'yon sa akin. Nangangalay na ko sa posisyon ko ngunit ang mas iniintindi ko ay ang labi niyang walang balak tumigil. Pinaghiwalay ko ang labi ko upang sumagap ng hangin ngunit muli niya iyong sinakop at siya na ang nagpuno niyon para sa akin.
My heart pounded in my chest as my knees got weaker. One thing I could only focus on how addictively he invaded all my senses. The warm feeling of his breath was inviting. This time around he draped his both arms around me to help me stand properly and met my lips again halfway.
Nang malaglag ang envelope ay parehas naming nabitawan ang labi ng isa't isa. Nagkatinginan kami at ang ilangan na inaasahan ko ay hindi nangyari. Bagkus ngumiti siya saka yumuko upang pulutin ang envelope.
"What about that?" mahinang sambit ko. "The Intermountain Medical Mission?"
"Our hospital provides medical assistance in remote mountainous area for free."
Ngumiti ako. "Will you go there?"
"I've done this for five years."
"You're so kind-hearted."
Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Ayun na naman ang pagtitig niya sa labi ko at pinadaan niya roon ang mga daliri. Ngumiti siya at dinampian iyon ng halik.
"Good night, Gretel," bulong niya saka pinisil ang kamay ko. "Sweet dreams," aniya pa at muling dinampian ng halik ang labi ko.
Napatulala ako hanggang sundan ko siya ng tingin palabas. Pagharap ko sa malaking salamin ay nasilayan ko ang sariling mukha na pulang-pula, mas mapula pa sa kamatis. Tumitili akong pumasok sa kwarto at sumubsob sa unan.
"What's this?" My forehead creased as I zoomed in the picture of a white dress. "The stitches and pleats are all on the wrong spot."
Mahigit isang oras na akong nakaharap sa laptop at kausap ang mga tauhan ko sa Germany. Nabigyan na nila ng buhay ang na-sketch kong dress. Dumaan na rin 'yon sa matinding pattern-cutting bago tahiin.
"We'll fix it, ma'am," tugon ng head nila.
"You need to have a good eye for detail," I continued scolding them. "Our VIP client wants this dress to be perfect for her engagement party. You should not let me down. You should not let GCL down."
Sabay-sabay silang napayuko. "Understood, ma'am."
"Talk to Aera if you need anything. She'll answer your other concerns."

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romantizm"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...