Chapter 7

512 28 3
                                        

Chapter 7

MAAGA akong nagising nang dumating ang araw ng pool party. Nakaligo at nakabihis na rin ako. Lahat ng kailangang i-set up ay nagawa ko na kaya gulat na gulat ang mga kasama ko sa bahay.

"I can't believe you did all of this," Shadow said in amusement. "You're really artistic."

Ako lahat nag-asikaso. Mula sa disenyo hanggang sa mga pagkaing ihahain mamaya. Ako nga rin ang naglinis ng swimming pool kagabi.

"I like the balloons, Ate!" natutuwang komento ni Snow at humugot pa ng isa.

"Iba na talaga kapag inspired by Heaven," ngisi ni Rocket.

"Syempre!" I flipped my hair. "Mag-ayos na kayo. Dito lang ako at hihintayin ang aking future boyfriend."

"Inaantok pa ko," daing ni Rocket. "Pero dahil pupunta ang iba pang friends ni Storm, maliligo na ko."

Natawa naman ako. May gusto kasi siya kay Ran kaso may boyfriend na 'yon kaya broken ang lolo mo.

"Ako rin," nguso ni Snow. "Magbe-bake pa pala ako ng cookies."

Paglingon ko ay naglaho na silang tatlo, batid kong nasa taas na at naghahanda. Habang naghihintay ay inaliw ko na lamang ang sarili sa pagbabasa ng reports ng bawat department head ng GCL. Noong nakaraang araw pa ito pinasa sa akin ni Aera ngunit ngayon ko lang nagawang buklatin.

"Hi, hello!" masiglang bati ko nang buksan ang pinto. "Come in."

Sunod-sunod namang bumeso sa akin ang tatlong bruhang kaibigan ni Storm habang ang tatlong lalaki naman ay tinanguan ako. Magiliw ko silang pinaupo sa living room at kinausap habang hinihintay pa ang iba.

Bumaba na rin sina Shadow, Snow at Rocket upang makisali sa kwentuhan. Nasa ganoong estado kami nang tumunog ang doorbell. Mabilis akong tumayo at nagtawanan sila dahil alam na nila kung bakit.

Inayos ko ang sarili saka marahang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Heaven. Simple lamang ang suot niya ngunit sobrang lakas ng dating. Lalo na't may hawak pa siyang bouquet of flowers.

"Good morning, my loves," ngiti ko sabay sulyap sa bulaklak. "For me?"

"For my sister," masungit na aniya at nilagpasan ako.

Narinig ko ang impit na pagtawa ng mga kaibigan ko pero inismiran ko lang sila.

"Where's Storm?" he asked. "I know dito siya natulog kagabi."

"In her room, upstairs," Shadow replied. "Still sleeping."

"I'll wake her up," anunsyo niya sabay lapag ng bulaklak sa center table.

Humabol naman ako. "Sabay na tayo."

"What?"

"Gigisingin ko na rin dapat si Storm kaya lang dumating ka."

"I said I'll wake her up so back off."

Imbes na sundin siya ay tumuloy ako sa pag-akyat hanggang marating ang kwarto ni Storm. Talagang inunahan ko siyang magbukas ng pinto.

"Good morning, Storm!" masigla kong bati. "Get up! Our friends are all here!"

I heard Heaven cussed. "I told you na ako ang gigising sa prinsesa ko 'di ba?"

"Pumayag ba ko? Hindi 'di ba?" ganti ko dahil sa biglaang pagtaas ng boses niya. "Pero pagbibigyan na kita because you're so handsome today!"

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now