Epilogue
AS I arouse from heavy slumber, I am first aware of the coolness of the air and it's telluric fragnance. I rolled over the soft sheets, knowing that they're not by my side. I sat down and roamed my eyes around the room.
"Heaven, my loves?" I said feebly. "Skyler, my prince? Where are you?"
No one responded so I decided to walked out of the room and searched for them. I looked for every corner of the mansion but they were nowhere to be found. I just heaved a deep sigh. Where did they go this early?
Upang maibsan ang pag-aalala ay naisip ko na lang maligo. At dahil espesyal ang araw na ito para sa akin, napili kong suotin ang bagong biling backless ruffle white summer dress at flat gladiator sandals. Light make up lang din ang nilagay ko at hinayaang straight ang violet hair.
Nagkakabit ako ng hikaw nang tumunog ang phone ko. Dagli ko iyong kinuha, umaasang si Heaven ang caller ngunit hindi. Napanguso ako at sinagot ang video call.
"Why?" I asked. "Is there a problem?"
"Hi, dude! Happy Birthday!" masiglang bati ni Aera. She's wearing a corporate attire so I bet she's already in Paris. "Oh bakit nakabusangot ka? Ang ganda pa naman ng outfit mo!"
"First time kong hindi nakita ang asawa't anak ko paggising kanina eh."
"Akala ko naman kung ano na," tawa niya. "Baka nand'yan lang 'yon sa tabi-tabi, nagbobonding."
Tumango na lang ako at nagpisik ng pabango. "So why did you call?"
"To greet you on your special day and to inform you about the Paris Fashion Week tomorrow."
Lalo akong napasimangot. "So?"
"Hindi ka talaga makakadalo? You're the representative of GCL and Gucci."
"You know, I can't. Ayaw kong iwan ang mag-ama ko."
"Sayang. First time in history na mapapasama ang clothing line mo sa engrandeng fashion show at dito pa talaga sa Paris! Matagal mo na 'tong gusto 'di ba?"
"Oo," buntong-hininga ko. "Pero hindi talaga pwede. Hindi ako sanay na mahiwalay sa pamilya ko. Naiisip ko pa lang ay namimiss ko na sila."
"Saglit lang naman 'to eh! At saka may 20 hours ka pang natitira para bumyahe. Use your private plane."
Umiling ako. "'Wag mo na kong pilitin pa. Nag-aalala na nga ako sa dalawa eh. Besides, kasama mo naman ang head seamstress at head dresser, right?"
"Yeah, of course! Super ready na sila."
"That's good. Panatag ang loob ko dahil magagawa niyo 'yan nang maayos kahit wala ako."
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa trabaho hanggang magpaalam na rin siya upang bisitahin ang mga damit na gagamitin sa fashion show. Napangiti na lamang ako at iniwan ang cellphone sa kwarto.
Pumunta ako sa garden at kinuha ang hose upang magdilig ng halaman. Bubuksan ko na sana ang gripo nang makakita ako ng kulay biyoletang lobo. Out of curiousity, sinundan ko 'yon hanggang marating ang gitnang bahagi ng hardin.
Gano'n na lang ang gulat ko nang masilayan ang long table at chairs. Naroon ang iba't ibang klase ng mga pagkain at inumin. Sa likod niyon ay malaking kurtina kung saan nakaimprenta ang mga salitang Happy Birthday, Gretel. Ang paligid ay napapalibutan ng puti at biyoletang lobo.

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...