"FOOD TRUCK for Ms. Gretel Heinrich."
Nahinto ako sa ginagawang sketch fashion design nang marinig ang aking pangalan. Sinara ko ang sketchbook at tumayo upang lumapit doon.
"From whom?" nakangiting usisa ni Aera.
"What's that?" tanong ko nang makitang may nilabas din itong mesa at pinatong ang dalawang small hot air balloon bouquet.
"You really have supportive and caring fans, Gretel," bungisngis pa niya.
"Lovable naman kasi ako," nakangising ani ko sabay baling sa lalaking nag-asikaso niyon. "Thank you."
Muli kong tinuon ang pansin sa food truck. A truck full of German bread, dumplings and tacos. Mayroon ding isang kahong bottled water. Naroon ang litrato ko sa itaas, maging sa tarpaulin standee.
"Call the photographers, staffs and models to take a break and eat snacks," sabi ko pa.
Nakangiti naman siyang tumalima sa mga kasama namin sa trabaho upang yayaing kumain. Lahat sila ay pinasalamatan ako at tuwang-tuwa na pumila.
We are currently here in Hamburg, Germany to shoot a street style fashion for an exclusive luxury fashion house and luckily, they chose me as one of the models.
Napukaw ng atensyon ko ang note na nakadikit sa balloon. Kunot-noo ko iyong kinuha at binasa ang nakasulat. Stay hydrated. Take care. From: Prince Charming
"Omg!" nagugulat na anas ni Aera, nakasilip na sa papel. "Siya na naman?"
Ito na ang pangalawang beses na nakatanggap ako ng regalo mula sa kaniya, sa hindi ko kilalang Prince Charming. Ang una niyang bigay ay noong nakaraang buwan. Chocolates 'yon at may bouquet of flowers din. Hindi ko masyadong pinansin dahil baka mula lang sa fans ko.
"Uy, iba na 'yan ha?" sundot niya sa tagiliran ko. "Hindi na simpleng fan 'yan." Ngumisi siya. "Admirer."
"Posible," ismid ko sabay hawi ng buhok. "Ang ganda ko kaya."
"Yes girl, slay!"
Lima kaming models na mula sa iba't ibang agency. Ngayon ko lamang sila nakasama sa trabaho ngunit hanga ako kung gaano sila ka-professional.
Sinuot ni Aera sa akin ang khaki trench coat at minsan pang ni-retouch ang make up ko. Nang tawagin ng photographer ay pumwesto na ako sa gilid ng kalsada. Nagkunwari akong maglakad at pumorma.
Habang nasa pictorial ay hindi ko maiwasang tignan ang food truck at flowers. Sa lahat ng natatanggap kong regalo mula sa fans, iyon lamang ang natatanging iba ang epekto sa akin. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko at natagpuan ko na lang ang sarili na nakangiti. May naiisip ako pero hindi lang matanggap ng utak ko.
"May idea na ko," ngisi ni Aera nang nasa van na kami pauwi.
Nangunot ang noo ko. "What are you saying?"
"Hindi kaya si Doc Heaven ang nagpadala niyan?"
"Hindi. Imposible." Umiwas ako at tinuon na lamang ang tingin sa labas ng bintana. "Bakit naman niya gagawin 'yon?"
"To get back to you?"
"C'mon, Aera. Alam mo kung ano ang ginawa niya sa akin. Bato ang puso no'n."
"Pero nagkagusto pa rin siya sa 'yo."
"Hindi lahat ng pagkagusto ay masasabing tunay na pag-ibig."
May mga bagay na kahit gusto mo, kailangan mong bitawan. At may mga bagay na kapag pinagpilitan, sa huli, ikaw rin ang masasaktan.
I am Gretel Heinrich, one of the highest paid fashion designer and model, the new ambassador of Gucci, done begging for someone's love.

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...