Chapter 2

740 28 13
                                        

Chapter 2

"WHY ARE you so worked up?" kunot-noong tanong ni Aera. "It's just a private gathering of your close friend."

"It's not just a simple party," mariing sambit ko habang namimili ng susuotin. "Makikilala ko na ang future boyfriend ko."

"What? Future boyfriend? Are you crazy?"

"Yes, boyfriend! And I need to dress nicely. First impression lasts." Hinugot ko ang red backless dress at tinapat 'yon sa akin. "This is dope."

Umiiling siya. "Baka masapawan mo si Storm. It's her party anyway."

"Sabagay, masyado kasi akong maganda." Saka ako humalakhak.

"Sino ba 'yang future boyfriend mo na 'yan? Matino ba 'yan?"

"Kapatid ni Storm," ngiti ko sabay tingin sa taas. "His name is Heaven Hawthorn."

"Their names are unique, huh?"

"Kakaiba ang pamilya nila."

"Alam ba niya na siya ang future boyfriend mo? O baka naman ikaw lang ang nakakaalam?"

"Nakakainis ka!" irap ko. "Kaya nga makikilala ko pa lang siya mamaya."

Nakangiwi siyang tumango. "Hindi ka pa tapos mamili? Kanina pa ko nahihilo sa 'yo eh."

"Wala na kong ibang mapili." Ngumuso ako. "Iyong red talaga ang gusto ko."

"Winter ngayon. Lalamigin ang likod mo."

"Magdadala na lang ako ng coat."

"Tapos tatanggalin mo rin pagdating do'n? Naku, Gretel. Kilalang-kilala na kita."

Ngumisi ako at natutuwang pumasok sa dressing room upang suotin ang dress. Hapit iyon sa akin ngunit hindi naman masikip. Binago ko rin ang suot na stilettos. Talagang pinaghandaan ko.

"You're not going to seduce him, right?" tanong niya nang makasakay kami sa kotse.

"I'll just show my feelings."

"Hindi mo pa nga nakikita, may feelings kana agad?"

"Bakit ba kumokontra ka? Iyon ang nararamdaman ko eh."

"Hindi naman sa gano'n. Nag-aalala lang ako sa 'yo."

Inismiran ko siya at nang tumanaw sa labas ng bintana ay kusang naglagay ang aking isip. Ano nga kaya ang itsura niya? Excited na talaga akong makita siya. Nasisiguro kong gwapo 'yon dahil maganda si Storm.

"What's happening?" nagtatakang usisa ko nang mapansing kanina pa kami nakahinto.

Napailing si Aera. "Traffic jam."

Sumulyap ako sa cellphone ko upang tignan ang oras at trenta minuto na lang magsisimula na ang party.

"Is there another way? I can't afford to be late."

"This is only the fastest way to get to the venue."

Lalo pa akong nataranta nang matanggap ko ang text mula sa mga kaibigan kong sina Rocket, Shadow at Snow. Kumpleto na raw sila roon at ano mang oras ay magsisimula na. Importanteng okasyon pa naman 'yon para kay Storm kaya hindi dapat ako maging panira.

"Mag-taxi na lang kaya ako? O kaya motor?"

"Hindi pwede. Makikita ka ng mga fans mo r'yan sa daan."

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now