Chapter 15

533 28 0
                                        

Chapter 15

NAGISING ako dahil sa ringtone ng cellphone ko. Kunot-noo ko iyong sinagot at muling pumikit.

"Why?" humihikab na sabi ko. "Antok pa ko."

"What?!" sigaw ni Aera kaya napalayo ako. "You're not yet ready?! My goodness, Gretel! Anong oras na!?"

"Ano bang meron? Aga mong mambulabog. Alam mo namang napuyat ako kagabi sa pagpa-practice ng walk sa runway."

"Don't you remember? Today is the recording of the game show!"

Napabalikwas ako ng bangon. "Ang bilis naman?!"

"Hindi ka kasi tumitingin sa kalendaryo! Psh!" Batid kong umirap pa siya. "Hurry up. Hintayin kita rito."

Agad kong binaba ang tawag at humugot ng tuwalya. Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Mabuti na lang talaga ay nakaayos na ang mga sinusuot kong damit araw-araw. Naka-schedule na 'yon kaya hindi ko na kailangang mag-isip pa.

"My gosh, Aera," nakangiwing bulong ko nang marating ang recording site. "Why didn't you tell me na ang concept ng game show ay love interactions?"

"Ano namang difference kung sinabi ko? Gusto mo man o hindi, kailangan mong gawin 'to dahil nasa kontrata mo ang pagsunod sa CEO."

I stomped my feet. "I can't do this. Mapapanood 'to ni Heaven at baka magselos 'yon."

"Gretel, scripted naman 'to. Kailangan mo lang umarte kasama ng mga katrabaho mong artist."

"Maarte ako pero hindi ako umaarte na parang artista. I always true to my feelings 'no! Kaya nga hindi ako pumasok sa acting career na 'yan."

"Whatever you say, you'll still need to do this."

Napabuntong-hininga na lamang ako at pumasok na sa loob. Nadatnan ko ang apat pang mga artista, marahil sila ang kasama ko sa laro since by pair nga 'yon. Hindi ko rin inaasahan na isa roon ay si Tyron.

"Gretel," ngiti niya at tumayo upang lapitan ako. "Nice to see you again. How are you?"

"I'm fine. What about you?" Bahagya akong lumapit upang bumulong, "Sikat na sikat kana talaga ha? Ikaw ang parati kong nakikita sa TV."

"Not really," tawa niya. "I'm okay. I'm happy you're here."

"Hi!" nakangiting bati ng isang babae. Maliit siya at cute. "I'm Pevee. Gretel Heinrich, right?"

I accepted her hands and shook it. "Glad to meet you."

"It's my first time to see you in person. You're so pretty."

Ngumiti na lamang ako at napansin ko ang pagsulyap niya kay Tyron. Ang sulyap na tila ba may tinatagong nararamdaman. "Close kayo 'no?"

"We're childhood friends."

"Ikaw ha?" nakangising baling ko kay Tyron. "May ganito ka pala kagandang kababata."

Ngumiti siya at kumamot sa ulo. "Yeah."

"We'll start in five minutes," anunsyo ng director. "Be ready."

Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa isa pang silid ngunit nahinto ako nang mag-ring ang cellphone ko. Napangiti rin ako nang makilala ang caller kaya agad kong sinagot.

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now