Chapter 35
"MY LOVE?" malambing na sambit ni Heaven nang muling sumilip sa kwarto. "Are you done?"
"Yeah." Mabilis akong nagpahid ng lipstick at nagpisik ng pabango. "Coming." Kinuha ko ang pouch saka nagmamadaling lumabas. "Why are you looking at me like that?" tanong ko pa habang sinusuot ang blazer.
"Can we just stay here?" Dinampian niya ng halik ang labi ko, pababa sa leeg hanggang collarbone. "You're so beautiful and hot. I don't want them to see you."
Natawa ako. "Ngayon na lang ulit ako lumabas ng bahay mo, pagbigyan mo na ko. Besides, company ko ang nakasalalay sa ceremony."
"Fine," buntong-hininga niya. "But button it up." Siya na ang nagbutones niyon hanggang matakpan ang leeg ko.
"My loves naman eh," reklamo ko. "Mainit sa labas." Tinanggal ko ang pagkakabutones ng tatlo sa taas pero muli lamang niya 'yong binalik.
"If you really want it that way, I'll stick with you throughout the ceremony." Naroon ang diin sa pananalita niya nang padaanan ako ng matalim na tingin. "Every guy there will surely be laid their eyes on you."
"Okay." Dinampian ko ng halik ang labi niya para matapos ang usapan. "Let's go."
Nakangiti ako buong byahe hanggang marating namin ang construction site. Nakatayo na roon ang mga tent, speakers, platform at iba pang disenyo. Dumako agad ako sa lilim ng matayog na puno upang kausapin ang mga staff ko at hinintay makumpleto ang imbitadong mga bisita.
"Pretzel." Nakangiting lumapit si Heaven. "Storm told me to wear this." Sinuot niya sa akin ang white hard hat.
"Thank you." Umangkla ako sa braso niya. "Where's the shovel?"
Inayos niya ang buhok ko. "Later pa 'yon."
Tinanguan ko si Aera na simulan na ang seremonyas kaya naman tumuntong siya sa platform at tumapat sa rostrum. "Good morning, everyone! Welcome to the groundbreaking ceremony of G Clothing Line Philippines branch!" Umugong ang palakpakan mula sa mga guests at ang pinakamalakas ay ang pamilya't kaibigan namin. "Let's have the CEO of GCL, Ms. Gretel Heinrich for her speech."
Hawak-kamay kaming umakyat ni Heaven sa platform at gaya nang sinabi niya kanina, hindi talaga siya umalis sa tabi ko habang yakap ang bewang ko.
"I would like to thank Engr. Storm Kalei Hawthorn-Akiyama, Arch. Hiro Akiyama and my business partners who played a part in getting the project started and those who will be making it a reality. Thank you so much for your kind help."
Sunod-sunod ang naging flash ng camera mula sa media nang humawak na kami ng shovel at bahagya iyong binaon sa lupa. Kasama ng pamilya at mga kaibigan ay masaya kaming naglitratuhan.
"Tyron, Pevee," nakangiting ani ko nang lumapit sila sa akin. "Glad you came."
"I'm very much grateful dahil napatawad mo ko sa mga ginawa kong mali." Yumakap si Pevee. "Thank you and I'm sorry, Gretel."
Tinapik ko ang likod niya. "Matagal ko naman na kayong napatawad. Just continue your career."
"Can I hug you?" alanganing wika ni Tyron.
Sasagot na sana ako pero nauna na si Heaven. "Shake hands will do." Saka niya muling kinabig ang bewang ko.
"Oh, shake hands daw." Natatawa kong nilahad ang kamay at inabot naman niya 'yon. "And don't say sorry dahil pang-100 times mo na 'yan."
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...
