Chapter 4

507 29 19
                                    

Chapter 4

"ARE YOU mad?" alanganing tanong ko nang makasakay kami sa kotse.

Hindi siya tumugon, nanatiling kunot ang noo saka pinaandar ang makina. Ang bilis nang pagpapatakbo niya kaya nakarating kami agad sa bahay.

Nakanguso akong humabol sa kaniya nang bumaba siya. Hindi ko mawari kung galit ba siya o natural lang niya 'yon. Nabunggo rin ako sa likod niya nang bigla na lang siya huminto.

"Bakit?" bulong ko. "May problema ba?"

Humarap siya sa akin at inagaw ang supot ng unan. Muli siyang naglakad ngunit tumigil ulit. Lalapit na sana ako pero hindi ko inaasahang haharap siya sa akin. Ayun na naman ang tingin niyang tila tumatagos hanggang kaluluwa ko.

"Don't ever wear that clothes again."

"You really don't like it?"

"It caused too much attention."

Ngumiti ako. "Then I caught your attention."

"Why would I do that?"

"Because you like me."

"In your dreams." Saka siya tumalikod at mabilis na pumasok sa loob.

"I was just kidding!" habol ko. "I want to take things slowly, okay?"

"What are you talking about?"

"Our future relationship."

"It's not gonna happen."

Naiwan akong nakanguso saka pinanood siyang umakyat sa ikalawang palapag hanggang mawala sa paningin ko. Taliwas kami ng pag-iisip dahil alam kong may patutunguhan itong nararamdaman ko para sa kaniya. Sadyang sarado pa ang puso niya ngayon.

Hindi ko nga lang alam kung ano ang nangyari kung bakit siya naging ganoon. Kung bakit ilag siya sa mga babae? Ayaw niya bang pumasok sa relasyon? Teka, nagkaroon na kaya siya ng past relationship?

"How was it?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang tinig ni Shadow. Naroon siya sa sofa at nagbabasa ng libro. "Did you enjoy?"

"Yes," nakangiting tugon ko. "Nagselos nga siya eh."

He chuckled. "Progress, huh?"

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

"I'm waiting for Storm."

Nangunot ang noo ko. "Bakit?"

"She's doing boxing."

"My gosh, at this hour?"

Tumango naman siya. Nagpaalam na rin ako sa kaniya at tumungo sa kwarto ko. Habang nagpapalit ng damit ay naalala ko ang sinabi ni Heaven kanina at hindi ko maiwasang ngumiti. Lowkey concern.

Pahiga na sana ako nang mapansin kong wala ang paborito kong brush sa buhok. Hinanap ko 'yon sa maleta ngunit bigo ako. Naisipan kong lumabas at tumungo sa kwarto ni Snow.

"Did you see my brush?" I asked.

She just shook her head and went back to her bed. Antok na antok siya, marahil napagod sa paggawa ng cookies. Kinatok ko rin si Rocket ngunit mahimbing na siyang natutulog.

Nang pabalik na ako ay nakita ko si Heaven na nakatayo sa harap ng kwarto ko habang yakap ang unan na binili namin kanina. Pabalik-balik ang tingin niya sa pinto, nag-aalangang kumatok saka malalim na bumubuntong-hininga. Marahan akong lumapit at sumandal sa pader.

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now