Chapter 30

756 30 0
                                        

Chapter 30

HINDI KO masasabing napaghandaan ko ang araw na ito ngunit alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na ulit hahayaang mahulog sa bitag niya. Natatakot na ko lalo na't bumabalik sa alaala ko ang mga ginawa niya sa akin noon.

"Leave," I said coldly. "I'm not feeling well."

Akma ko nang bubuksan ang pinto nang hawakan niya ang braso ko. "Gretel..."

"Don't touch me." Pinalis ko 'yon at walang emosyon siyang tinignan. "Do you have something to tell me? Make it fast because you're wasting my time."

Ang malamlam niyang mga mata ay nagbaba ng tingin. "I'm sorry."

"Sorrys are easy. What about taking responsibility for the things you've done?"

Hindi siya nakakibo kaya naman nginisihan ko siya at padabog na pumasok sa loob. Nakakailang hakbang pa lang ako ay muling nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako kasabay nang pagbuhos ng masaganang luha sa aking mga mata.

Masakit. Sobrang sakit pa rin pala. Akala ko ayos na ko. Niloloko ko lang pala ang sarili ko.

"Oh my gosh! Gretel!"

Nagising na lang ako sa lakas ng boses ni Aera. Dumilat ako ngunit hindi ko magawa, marahil na rin sa sobrang pamumugto niyon. Namalayan kong may bumuhat sa akin at maingat akong hiniga sa sofa.

"Gretel, are you okay?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Say something, please."

"I'm okay." Natigilan din ako nang mapagtanto ang tinig ng lalaking 'yon. Pinilit kong magmulat at gano'n na lang ang gulat ko nang masilayan si Heaven. "What are you doing here?"

"Everybody is calling you but you didn't respond so we rushed here to check on you."

Agad akong bumangon at lumayo sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone at pagbukas ko ay puro missed calls mula sa Hawthorn family, maging sa mga kaibigan ko.

"Shit," tulirong bulong ko. "I'm late!"

"Shit talaga," banat ni Aera. "Ano bang ginawa mo ha? Sabi ko magpahinga ka pero bakit nasa sahig ka? Uminom kana naman ba ng sangkatutak na beer?"

Sinenyasan ko siyang manahimik. Sinulyapan ko si Heaven at nahuling nakatingin sa akin.

"Dapat paglabas ko, wala kana rito," irap ko saka padabog na pumasok sa kwarto.

Minadali ko ang paliligo, pagbibihis at paglalagay ng make up. Isang pisik lang ng pabango ay dinampot ko na ang pouch at lumabas. Napangiti ako nang wala na 'yong dalawa. Mabuti naman para tahimik ang byahe ko.

Pakanta-kanta pa akong sumakay at baba ng elevator subalit agad na nangunot ang noo ko nang makita si Heaven sa labas. Nakasandal siya sa sports car at may suot pang shades. Bawat dumaraang babae ay kinukuhanan siya ng litrato at binabati.

"Good morning," nakangiting aniya nang makita ako. "I'll take you to your work."

"Mag-isa ka." Pasiring akong naglakad palayo. "Akala ba niya makukuha niya ko sa gano'n? Not dope."

Nang marating ang parking lot ay laking pagtataka ko na wala roon ang kotse ko, maging ang van na madalas kong gamitin kapag may photoshoot sa labas. Tinawagan ko si Aera ngunit hindi sumasagot ang lokaret.

Pagharap ko ay siya namang pagdating ng sports car ni Heaven. "Let's go, pretzel."

"Magtataxi na lang ako." Binilisan ko ang paglalakad hanggang marating ang national road at makasakay.

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now