Chapter 20
MABIGAT ang loob kong binalik ang sketchbook sa dating pwesto. Lahat nang namuong pag-asa sa puso ko ay bigla na lang gumuho. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Ang kinikilos ba niya sa tuwing kaharap ako o ang kinikilos niya kapag mag-isa na lang siya?
Naguguluhan na ko. Nasasaktan ako sa mga salita at kilos niyang hindi naman magkatugma. Para akong gumagawa ng tula na hindi alam kung ano ang marapat na gamiting salita para ihalintulad ang nararamdaman ko ngayon.
"Why are you standing there?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang tinig ni Heaven.
Nasa tapat na pala ako ng pinto ng kwarto niya at mabuti na lang ay nakalabas na ako. Pilit naman akong ngumiti. "Sinauli ko lang 'yong polo mo."
Tumango siya. "I got here your suitcase." Doon pa lang ako nagbaba ng tingin at hawak niya nga ang maleta ko. "Stay here until the investigation is over."
"Mga damit ko 'yan? Dumaan ka sa condo ko? Nand'yan ba ang skin care, make up kit at blower?" naging sunod-sunod ang tanong ko.
"I dropped by to your condo to take this and don't worry, nandito na lahat ng kailangan mo."
"Thank you, my loves." Kinuha ko sa kaniya 'yon at mabilis na pumasok sa kwarto.
Naging okupado na naman ang isip ko habang nag-aayos ng gamit. Hindi ko alam kung tama ba ang ideyang dito ako manatili, na nasa iisang bubong kami at may hindi mapangalangang relasyon.
Kasama ko nga siya pero ang puso't isip niya ay nasa iba.
Nanghihina akong napaupo sa sahig at dinantay ang noo sa drawer. Nasa ganoong posisyon ako nang bumukas ang pinto.
"Gretel?" Naramdaman ko ang paglapit niya. "Why? Are you feel sick?"
Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. "Nagpapahinga lang ako."
"Are you sure?" Dinampi pa niya ang palad sa noo ko pero pinalis ko 'yon.
"Ayos lang ako." Nangunot ang noo niya at sinipat ang mukha ko. "Bakit? May kailangan ka ba?" tanong ko.
"I cooked dinner. Let's eat."
Inalalayan niya akong makatayo at saka hawak-kamay kaming lumabas.
"Ikaw ang nag-sketch no'n?" usisa ko sabay turo sa family picture nilang naka-frame.
"Yeah." Pinagsalin niya ako ng juice.
"Marunong ka palang mag-sketch," ngiti ko. "Pwede mo ba kong i-sketch?"
"If I have some time, sure." Nangunot ang noo niya. "Pero marunong ka rin naman mag-sketch 'di ba?"
"Damit lang. Hindi ko kaya 'yong mukha."
Tumango naman siya at tahimik na kumain.
Kailangan pa pala niyang magkaroon ng oras para i-sketch ako. At sa tono ng pananalita niya ay parang gusto niyang i-sketch ko na lang ang sarili ko. Gano'n ang interpretasyon ko at nakakalungkot isipin.
Hindi ko na alam kung totoo bang gusto niya ko, kung may puwang ba ko sa puso niya. Kung wala, bakit pa niya ako hinalikan? Bakit sweet siya sa akin? Pwede naman siyang bumalik sa dati. Iyong maiinis siya sa mga ginagawa kong pangungulit nang sa gano'n masasabi kong ayaw niya talaga sa akin.
Pwede rin naman niya akong diretsahin kung ayaw niya talaga sa akin. Matatanggap ko naman. Basta huwag lang niyang guluhin ng ganito ang feelings ko.
YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...