Chapter 28

730 31 5
                                        

Chapter 28

"GRETEL, anak? Lumabas ka naman. Nag-aalala na kami ng daddy mo sa 'yo," nangibabaw ang nagsusumamong tinig ni mommy sa labas ng aking kwarto.

Halos tatlong buwan na siyang ganoon, nakikiusap na lumabas ako. Hindi ko akalain na papapuntahin ni Aera ang parents ko rito sa Germany dahil sa sobrang pag-aalala. Pansamantala silang tumutuloy sa hotel at araw-araw pa nila akong hinahatiran ng pagkain at inumin dito sa condo ko.

Hinabol nga niya ako sa airport ngunit hindi naman niya ko sinundan.

Walang araw na hindi tumulo ang luha ko habang pilit na nilalabanan ang sakit. Ni maligo ay nakaliligtaan ko pa. Kahit pagsho-shopping ay nawala na rin sa bokabularyo ko. Nawalan ako ng interes sa mga dati kong ginagawa.

"Gretel, anak?" pakiusap naman ni daddy. "Kumain ka. Pinagluto kita."

Hindi ko siya pinakinggan ngunit umalingawngaw ang huling salitang binanggit niya. Ganoon din si Heaven. Pinagluluto niya ako ng breakfast at dinner dahil alam niyang hindi ako marunong. Naaalala pa kaya niya ko?

Kinalikot ko ang cellphone at natagpuan ang sariling pinagmamasdan ang litrato niya. Sa bawat araw na nagkasama kami sa bahay niya, palihim ko siyang kinukuhanan ng litrato. At ang tanging picture naming magkasama ay 'yong stolen shot na kuha ni Rocket nang magbakasyon kami sa Maldives. Parehas pa kaming nakatingin sa isa't isa at nakangiti.

Ang saya pa namin noon pero nasaan na ang lahat ng 'yon ngayon?

Dumapa ako at muling sinubsob ang mukha sa unan upang doon humagulgol. Nang ginalaw ko ang paa ay nasipa ko ang bote ng alak. Pupulutin ko na sana 'yon pero nakita ko rin ang iba pang boteng nagkalat. Alak na lang yata ang sumasalba sa akin.

Nahulog ako sa bitag mo. Nahulog ako sa mga salitang sinasambit mo na para bang napakaespesyal ko. Nahulog ako pero bakit walang sumalo? Bumagsak ako sa rurok ng imahinasyon ko at sa pagkakabagsak ko, ngayon ko lang napagtanto na sa larong ito, ako ang natalo.

"My gosh, Gretel!" tili ni Aera, isang araw nang magtagumpay siyang mabuksan ang pinto. "Hindi ko kinakaya ang malagubat mong kwarto!"

Ngumisi ako at nilukot ang papel ng ginagawa kong sketch design. "Ganito na ko dati pa. Hindi ka lang sanay."

"Wala ka ba talagang balak lumabas? Ano? Ganyan kana lang? Work from home? Hinahanap kana ng mga empleyado mo sa GCL! Naloloka na sa 'yo ang mga stockholders!"

"Are you done?" Kumuha ako ng cash sa wallet. "Bili mo ko ng isang case na beer."

"Magtigil ka nga!" saway niya. Dagli namang pumasok ang taga-linis para ligpitin ang mga kalat ko. "Let me ask you a question, Gretel."

Tumango ako. "Talk."

"Do you still want to be a model?"

"Alam mo naman ang sagot d'yan. Kaya lang wala na kong magagawa dahil wala namang tumatanggap sa akin kahit anong agency. I am the great Gretel Heinrich who breached a contract just to mend her broken heart. Iyon ang headline sa balita 'di ba?"

Pumupuslit lamang ako nang paglabas ng bahay kapag pupunta ng korte. Inaayos ko ang kaso ko sa dating agency sa Pilipinas at laking pasasalamat ko kay Attorney Shadow na naipanalo niya ang kaso ko. Bukod do'n ay nanatili lamang ako sa condo para magtrabaho. Atleast, kahit GCL man lang, hindi ko napabayaan.

"What if I tell you na may isa pang company na handang mag-take risk na kuhanin kang model?"

Ngumisi ako upang itago ang gulat. "So?"

Touch of HeavenStories to obsess over. Discover now