Chapter 9
NAGISING ako nang nakangiti. Ang ganda ng panaginip ko kagabi. Pakiramdam ko ay bumuti na ang kalagayan ko. At kung nagkatotoo pa 'yon, magwawala na naman ang puso ko sa saya.
"Good morning," nakangiting bati ni Aera nang tumapat sa akin. "How are you feeling today?"
"Great." Matamis akong ngumiti. "Sana hindi na lang ako nagising."
Hinampas niya ako. "Ano bang pinagsasabi mo?"
"I kissed him." Hinipo ko ang aking labi. "I kissed my loves."
Nahinto ako nang may makitang surgical mask sa kamay ko. Bakit may ganito? Kunot-noo ko iyong sinuri hanggang matagpuan ang kiss mark doon!
"Oh my...gosh," nagugulat kong ani. "Totoo 'yon?"
"What?" asik ni Aera.
"Totoong 'yong panaginip ko!"
"Hindi ka pa talaga magaling, kung anu-anong pumapasok d'yan sa utak mo."
"Totoo talaga." Saka ko tinuro ang kiss mask.
Nanlaki ang mga mata niya. "Grabe kayo."
Nag-kiss kami. Ulit. Humawak ako sa pisngi at naramdaman doon ang init.
"Where's my beauty suitcase? Nadala mo ba?"
"Syempre," ngisi niya. "Ayun oh."
Umalis ako sa kama at mabilis na tinungo ang maleta sa tabi ng sofa. Binuksan ko 'yon at nakangiting sinuri ang bawat damit.
"This is dope!" Halos yakapin ko na 'yon. "Thank you, Aera!"
"I'll give you two days then wrap up na. Marami ka pang trabaho."
Ngumisi ako. "Sure."
Matapos kumain ng almusal, naisipan kong lumabas ng silid upang hanapin si Heaven. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang makita siya sa hallway at papunta sa gawi ko.
Dagli akong pumasok sa loob, humiga sa kama saka nagbalot ng kumot. Saglit lang ay bumukas ang pinto at pumasok si Heaven. Nakasuot na naman siya ng surgical mask kaya lihim akong napangiti.
"How do you feel this morning?" tanong niya.
"Not bad."
Lumapit siya sa akin at may pinindot sa gilid ng kama. "Sit up."
Umupo agad ako at pinanood ang kaniyang kilos. Kinuha niya ang stethoscope saka nilapat 'yon sa likod ko.
"Cough."
Maarte akong umubo at tumitig sa mukha niya.
"Chest."
Bahagya akong lumiyad habang tinapat naman niya ang stethoscope sa dibdib ko. Nagtagal siya roon, marahil pinakikinggan ang tibok ng aking puso. Napangiti ako at dumako sa I.D. na nakasabit sa lab gown niya.
Kapagkuwan ay nilipat niya ang stethoscope sa tagiliran ko. Inalis niya rin 'yon at humugot ng ballpen upang magsulat sa hawak na folder.
"Heaven..." nakangiting sambit ko. "Your touch opens to heaven where everything is nice. The words you whisper, I'll always remember. Your kisses make me happy when my days are gloomy."
"Is that a poem?"
"Yes."
"Who wrote that?"

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...