Chapter 31

714 28 1
                                    

Chapter 31

HALOS magdamag na kong nakatitig sa hawak kong sketchbook. Ang sketchbook kung saan naglalaman ng mukha ko at lahat 'yon ay nakangiti. Ang sketch na nasa tapat ng condo ko at mismong gawa ni Heaven.

"You have the most beautiful smile," iyon ang nakalagay sa caption.

Noon inaasam ko na isketch niya rin ang mukha ko gaya nang ginawa niya sa ex-girlfriend at ngayong narito na 'yon sa harap ko, bakit parang hindi ako masaya? Bakit pakiramdam ko napilitan lang siyang gawin ito, na hindi naman bukal sa loob niya?

"Natatakot kana, hindi na buo ang tiwala mo," mahina ngunit makahulugang sambit ni Aera saka nilapag ang tasa ng kape sa table ko. "Dahil nasaktan kana."

"So this is how he felt before." Sumandal ako at inikot ang swivel chair paharap sa malaking bintana. "He wants to fall in love but his fear and lack of trust were holding his back."

"Are you faltering now?"

Hindi ako tumugon at marahang pumikit. Bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Matapos ng huling salita niya ay hindi ako nakapagsalita at hinayaan na lamang siyang umiyak sa balikat ko. Subalit wala ring nangyari nang sandaling 'yon, parehas lang kaming nasaktan.

"But why I was stunned when he admitted that he deserved it?"

"Because you didn't expect that he could straightly admit it. And I know how much you longed to hear it from him."

Pinalis ko ang butil ng luha at muling humarap. "Go and have your lunch. Xavier must be waiting for you."

"What about you? Hindi kana naman kakain?"

"Wala akong gana." Kinumpas ko ang kamay. "Enjoy."

"Should I take you out food?"

"No, thanks." Ngumisi ako. "Layas."

Napabuntong-hininga na lamang siya at lumabas na. Saktong pagsara ng pinto ay naitukod ko na lang ang siko sa mesa upang sapuhin ang aking noo, dama ko ang panghihina dahil sa kakulangan ng tulog.

I'm not faltering. He just proved to me that he knew exactly what he did and he regretted it and that made me shocked. Not all are brave to do that.

"What's wrong?" Napakislot ako sa gulat nang marinig ang tinig ni Heaven. "Are you feel sick? Mmm?" Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

"What are you doing here? And why didn't you even knock? Who let you in?" talagang sinunod ko ang mga tanong dahil sa umusbong na inis.

"I knocked but you're too occupied to notice. Besides, your employees are nice. They let me in."

"Your presence is not needed here so leave." Kinuha ko ang lapis at tinuloy ang sketch design.

"You must be hungry. I brought lunch."

"I'm not hungry."

Nangunot ang noo ko nang mahagip ng tingin ang paglabas niya ng lunchbox mula sa paper bag. Isa-isa niya iyong binuksan dahilan para umalingasaw ang bango niyon sa buong silid. Napalunok ako nang mapagtantong iyon ang parati niyang niluluto para sa akin dati.

"It's lunch time, pretzel. Masamang magpalipas ng gutom."

"Don't call me with that name." I glared at him. "And don't force me to eat when I'm not hungry." Ngunit hindi nakikisama ang sikmura ko dahil gano'n na lang kalakas ang pagkalam niyon.

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now