Chapter 27
MABILIS akong nag-impake ng mga gamit. Bawat sulyap ko sa sulok ng bahay niya ay naroon ang alaala namin. Kinapa ko ang bulsa at kinuha roon ang couple ticket to Paris. Nilapag ko na lang 'yon sa dining table niya at umalis na.
Wala na iyong silbi dahil wala naman kaming naging tunay na relasyon. Never kaming naging couple. Hinding-hindi na namin 'yon mapupuntahan pa dahil tinapos na niya ang lahat. At hindi ko akalain na kung gaano ako katatag noon ay bigla na lang iyong natibag.
Totoo nga na may hangganan ang lahat...
Habang nagmamaneho ay tumunog ang cellphone ko. Pinindot ko na lang ang button sa suot na earpiece upang doon sagutin ang tawag.
"Gretel!" bungad ni Aera. "Have you seen the news?"
"What? May issue ulit ako?"
"Nag-viral ang video niyo ni Pevee sa bar! My gosh! Nagsabunutan to the max kayo!"
"So what? Bagay lang 'yon sa kaniya."
"Alam kong gumanti ka lang pero naapektuhan na ang career mo!"
"What do you mean?"
"Tumawag sa akin ang CEO niyo, pinapa-pull out ka ng client as endorser ng swimwear."
Nasaktan ako pero tumawa na lang ako. "Okay."
"Okay?!" nagugulat na aniya pa. "Okay lang ang reaction mo?! Gretel?! Matagal mo nang gustong maging model!"
"I know, but maybe it's not meant for me. Everything is not meant for me."
Saglit siyang natameme. "What's your plan?"
"I'm going back to Germany."
"When?"
"Book me a flight tonight."
"Ito ba talaga ang gusto mo?"
"Yes." Tahimik na pumatak ang luha sa aking pisngi. "Gusto ko nang kalimutan ang lahat dito sa Pilipinas."
"Paano ang contract mo sa modelling agency?"
"I only care about myself now."
"Pero makakasuhan ka for breaching the contract."
"So be it."
Ayun na naman ang paglaganap ng sakit. Hindi ko akalain na igigive up ko ang pangarap ko para lang maayos ang puso ko.
"Okay. I'll text you later."
"Thanks, Aera."
Binaba ko ang tawag at binilisan ang pagmamaneho. I composed myself as I parked the car outside their mansion, the Hawthorn mansion. Nagsuot ako ng shades bago bumaba at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.
"Si Tita Spirit?" tanong ko sa maid.
"Nasa office niya po."
Tumango na lamang ako bilang pasasalamat saka umakyat sa ikalawang palapag. Kumatok ako ng dalawang beses at nang marinig ang tinig niya ay doon pa lang ako pumasok.
"Hello, hija." Nakangiti siyang bumeso sa akin. "Nice to see you and good thing dumalaw ka." Giniya niya ako sa sofa. "Have a seat."
Sumunod naman ako at tipid na ngumiti. "Tita?"
"You have something to tell me, huh? Go on."

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...