Chapter 32

706 20 6
                                        

Chapter 32

PAKIRAMDAM ko lahat ng pader na tinayo ko upang maprotektahan ang aking puso ay biglang gumuho dahil sa sinambit niyang limang salita. Hindi ko alam na sa gano'n pa lang ay mahuhulog na ulit ako. Na kahit pilit kong itanggi, siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko.

"Why?" I asked in a low voice. "I don't think there's reason for us to be together."

Gumuhit ang sakit sa kaniyang mga mata. "You don't want me anymore? You don't want to be with me?" Nang hindi ako makatugon ay lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "May mahal kana bang iba?"

Umiwas ako ng tingin at dagling tumayo. "Good night, Heaven."

"Do you still love me?"

Agad akong natigilan at hindi ko na napigil ang emosyon dahilan para muli ko siyang harapin.

"I still love you." Nagkaroon ng kislap ang kaniyang mga mata. "Mahal pa rin kita pero ito na 'yong pagmamahal na handa kang palayain. Hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko lalo na kung wala namang patutunguhan."

Mariin siyang napapikit, bahagyang nag-igting ang panga at nagsusumamong tumingin sa akin. "Please, Gretel."

"I'm sorry but I'm done begging for your love."

"Gretel..."

Parehas kaming napatingin sa side table nang malakas na tumunog ang cellphone niya. Parang may sumakal sa puso ko nang makitang si Yheza ang caller. Lalong nanlamig ang kamay ko kasabay nang munting pagkahilo.

Aalis na sana ako ngunit humawak si Heaven sa kamay ko. "Answer it."

"What?" Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya ngunit seryoso ang mukha niya. "Are you insane?"

"I'm already insane the day you left me." He titled his head. "Answer it."

"Ayaw ko. Baka magalit ang girlfriend mo."

"She's not my girlfriend and she will never be."

Tinaliman ko siya ng tingin ngunit dinampian niya ng halik ang kamay ko. Wala na kong nagawa kundi sagutin 'yon.

"Hello, doc!"

Napangiwi ako sa maarte niyang boses. "What?"

"Wait. I'm on the right number, right?"

"Yeah. This is Heaven's phone."

"Gretel Heinrich?" aniya pa na kinaikot ng mata ko. "I knew it, magkasama kayo." Saka siya tumawa.

Nangunot ang noo ko dahil parang natuwa pa siya na magkasama kami. "What do you want?"

"Pakisabi na lang kay doc na dumating na ang pinapahanap niyang research papers. Matagal na niyang gustong makita 'yon eh."

Nang lingunin ko si Heaven ay nakangiti siya kaya umirap ako. "That's it?"

"Meron pa pala."

Tumaas ang kilay ko. "Make it fast, Yheza. Maiksi ang pasensya ko ngayon."

"Forgive him." Then she hanged up.

Pabato kong binigay kay Heaven ang cellphone niya at akma nang tatalikod ngunit hinatak niya ko dahilan para mapaupo ako lap niya.

"What did she say?" Nilapit niya ang mukha sa akin. "Mmm?"

Parang sasabog ang puso ko sa halo-halong emosyon na pinaparamdam niya sa akin. Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero kailangan kong amining gumaan ang loob ko nang makausap ang doktorang 'yon. Wala akong ideya kung anong sumapi sa kaniya para maging gano'n kabait.

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now