Chapter 23

527 20 2
                                    

Chapter 23

MARAHAN kong minulat ang mga mata at napangiti nang masilayan si Heaven sa aking tabi. Hinawi ko ang hibla ng buhok na humaharang sa kaniyang mata at pinakatitigan siyang maigi. Nilandas ko ang daliri mula sa kaniyang noo, pababa sa kilay, mata, ilong, pisngi at labi.

"It is so nice having you next to me," I whispered. "It's like a dream come true."

Lalo pa akong napangiti nang humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Hinalikan ko siya sa labi saka tahimik na bumangon. Inayos ko ang balot ng kumot sa kaniya at bahagyang hininaan ang aircon.

Pagdating sa kusina ay napatulala na lang ako. Gusto ko na ako naman ang gumawa ng breakfast para sa kaniya pero hindi ako marunong. Ni hindi ko nga alam kung kailan ako huling nakahawak ng frying pan at stainless spatula. Nakanguso kong binuksan ang cellphone upang mag-search.

"I hate myself for not learning this before," I murmured and stomped my feet. "This is not dope!"

Ang pinakamadaling nahanap ko ay fried eggs, milk at toasted bread. Ginawa ko naman ang best ko subalit hindi nakikisama ang kamay ko. Bukod sa ang dami kong kalat ay ang lakas ng apoy.

"What's with the smell?" Nangibabaw ang tinig ni Heaven at kunot-noong lumapit. Natawa rin siya nang makita ako hanggang magbaba ng tingin sa frying pan. "Super fried, huh?"

"Sorry," buntong-hininga ko saka tinapon ang sunog na itlog. "I tried my best naman eh."

"It's okay." Pumunta siya sa gilid ko at siya na rin ang nagtuloy magluto. "I can cook for you."

"But I want to experience na ipagluto ka."

"Come closer. I'll teach you."

Tumango ako at nangalumbaba upang panoorin siya. Nagtaka ako nang bigla siyang huminto. Nag-angat ako ng tingin ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang salubungin niya ang labi ko.

"Good morning," malambing na aniya saka muling dinampian ng halik ang labi ko. "I'll take you to your work today."

Hindi ko na naitago pa ang ngiti, kinikilig. "Really?"

"Yeah. Mamaya pa ang duty ko sa hospital."

"Thank you, my loves!" tili ko saka hinagkan ang bewang niya. "Kailan nga pala tayo pupunta ng Paris?"

"The prize you won in the game before?"

"Mabuti naman natandaan mo."

"I remembered everything related to you."

Ngumiti ako. "Actually, matagal nang nasa akin ang coupel ticket na 'yon. Nag-aalangan lang ako dahil hindi mo naman ako gusto noon."

"Who told you?" Tumaas pa ang kilay niya, maging ang sulok ng labi.

"What do you mean?" untag ko pa pero umiling lang siya at matunog na ngumisi. "At saka gusto ko kapag inaya kita ulit, gusto mo na ko."

"Let's go there, pretzel. When do you want?"

"Talaga?" Nakagat ko ang labi. "Hindi ba sagabal sa trabaho mo?"

"In our hospital, doctors have two to three weeks vacation leave every year."

"Eh 'di nagamit mo na 'yong one week nang nagpunta tayo sa Maldives?"

Tumango siya. "I only have two weeks for this year."

Hanggang matapos kumain ay iyon pa rin ang iniisip ko. Hindi ko alam kung tama bang naungkat ko pa ang tungkol doon o kung worth it ba na gamitin niya sa akin ang vacation leave niya.

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now