Chapter 5

518 30 8
                                        

Chapter 5

"ATE GRETEL?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang tinig ni Snow. "Nandito ka pa pala."

Agad kong tinago ang litrato sa bulsa ng coat ko at nakangiting humarap sa kaniya. "Where are they?"

"Didn't they tell you?" Nangunot ang noo niya. "Ate Storm decided to go back to the Philippines."

"Eh 'di kasama rin niya sina Heaven, Lolo Cane at Tito Thunder?" Tumango siya. "Hindi ba't next week pa dapat sila babalik?"

"She changed the schedule."

"How about Rocket and Shadow?"

"They're both in the airport now."

"Babalik na ulit sila sa Pilipinas?"

"Yeah. Tutulungan nila si Ate Storm sa comeback party niya, remember?"

"What about you? Bakit nandito ka pa?"

"Kukuhanin ko lang ang gamit ko. Mamaya na rin ang flight ko."

Ngumuso ako. "Okay."

"Hindi ka naman minamadali ni Ate Storm dahil alam niyang may trabaho ka pa rito." Ngumiti siya at humalik sa pisngi ko. "See you there."

Hindi ako sanay na hiwa-hiwalay ang pag-alis namin dahil matagal din kaming nagkasama-sama sa iisang bubong. Ang pagkakaibigan na pinatibay ng panahon at naging isang parang tunay na pamilya.

Siguro kailangan ko nang sanayin ang aking sarili dahil may kani-kaniya na kaming desisyon at gustong gawin sa buhay. Malalim ang naging buntong-hininga ko at muling nilibot ang tingin sa kwarto. Hindi ko man lang nakita si Heaven bago siya umalis.

Malungkot akong tumungo sa kwarto at inayos ang gamit sa maleta. Ayon sa landlord, na-turn over na raw ng mga Hawthorn ang lahat ng susi, maging ang mga pirmadong dokumento. Kaya sinara ko na lamang ang maindoor at gate.

"Oh bakit ganyan ang itsura mo?" natatawang bungad ni Aera nang makauwi ako sa condo. "Para kang binagsakan ng langit."

Nakanguso akong umupo sa tabi niya. "Hindi ako nakapagpaalam kay Heaven."

"Bumalik na sila sa Pilipinas?" Tumango ako kaya hinagod niya ang likod ko. "Makikita mo rin naman siya."

"Matagal pa 'yon. Kailangan ko munang tapusin ang trabaho rito bago ko ibilin sa 'yo."

"What?" nanlalaki ang matang aniya. "Hindi mo ko isasama sa Pilipinas?"

"Alam mong ikaw lang ang super trusted secretary ko sa GCL."

"Ang dami ko na ngang ginagawa eh," daing niya. "PA mo na ko sa tuwing kinukuha kang model tapos secretary mo pa ko sa clothing company mo."

"Ayaw mo no'n? Yayaman ka," irap ko. "Ang laki kaya ng pinapasweldo ko sa 'yo."

Yumakap siya sa akin. "Sabi ko nga."

Sa loob ng halos isang buwan ay ginugol ko ang sarili sa pagtatrabaho. At walang oras na hindi nawala si Heaven sa isip ko. Sinubukan ko siyang tawagan base sa numerong binigay sa akin ni Storm ngunit hindi ito sumasagot. Laging busy ang kaniyang linya.

Hindi ko alam kung subsob siya hospital o ayaw lang talaga niya akong pansinin. Subalit kahit na gano'n ay hindi nawala ang nararamdaman ko sa kaniya. Lumala pa nga dahil miss na miss ko na siya.

Touch of HeavenWhere stories live. Discover now