Chapter 19
NANGILID ang luha ko at saka mabilis na yumakap sa kaniya. "I'm glad you're here."
"What happened?" malambing na aniya at hinalikan ang sentido ko. "Did someone hurt you?"
Umiling ako at tinuro ang unit ko. Kumalas siya upang puntahan ang kahon at pulutin 'yon. Upang maibsan ang takot ay umiwas ako ng tingin saka humawak sa aking dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso ko, tila ba nilalamon ako niyon.
"Heaven..." sambit ko ngunit huli na dahil pumasok na siya sa condo ko.
Wala akong ideya kung ano ang ginawa niya. Hindi rin ako makakilos sa aking kinatatayuan para sundan siya. Paglabas ay may hawak na siyang malaking plastik at batid kong naroon sa loob ang kahon.
"Let's go."
Humawak siya sa kamay ko at hinatak paalis. Pinalis ko ang luha nang maisakay niya ko sa kotse. At buong byahe ay tahimik lamang akong tulala sa kawalan.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng gano'n. Wala akong ideya kung sino ang may pakana dahil wala naman akong kaaway. Ang pinagtataka ko pa ay paano niya nalaman ang takot ko roon?
Saglit na binitawan ni Heaven ang nanginginig kong kamay upang mag-dial sa cellphone niya. Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya, tila nawalan na rin ako ng pandinig. Paulit-ulit ding bumabalik sa isip ko ang manikang 'yon kaya lalo akong napaluha.
Nang huminto ang sasakyan ay inalalayan akong makababa ni Heaven. Halos yakapin ko na siya habang naglalakad. Pumasok kami sa isang bahay ngunit wala akong ideya kung kanino 'yon. Hindi rin naman iyon ang family house nila.
Pinaupo niya ako sa sofa at inabutan ng tubig. Ngunit umiling ako at sumiksik sa gilid. Malalim ang naging buntong-hininga niyang tumabi sa akin at yinakap ako.
"Calm down," mahina, malambing na aniya. "I'm here. You're safe."
Dinantay ko ang ulo sa dibdib niya at doon na umagos ang luha sa aking mga mata. "Heaven..."
"Mmm? Do you need anything?"
"Iyong manika..."
"Let's talk about it later. They're on their way here."
Nangunot ang noo ko. "Sino?"
Bigla na lang bumukas ang maindoor. Gano'n na lang ang pag-ayos ko ng upo nang magkakasunod na pumasok sina Lolo Cane, Tito Thunder, Tita Spirit at Storm. Pinalis ko ang luha at mahinang bumati.
"Can I see the box?" kunot-noong bigkas ni Tita Spirit.
Pinisil ni Heaven ang bewang ko bago tumayo at sundin ang ina. Hindi ko akalain na maiistorbo pa sila para lang puntahan ako dahil sa nangyari. Napayuko na lang ako dahil sa hiya.
"Heaven," Storm said, coldly. Hindi na niya natawag na kuya ang kapatid. "I knew Gretel for a long time and she has a big fear in any kinds of doll."
Nasaksihan ko kung paanong matigilan si Heaven, nangunot ang noo hanggang mag-igting ang panga at mariing pumikit. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at hindi ko muna gustong malaman 'yon dahil gumuhit ang galit sa mga mata niya.
"I can't let this pass," masungit na aniya. "I'll catch whoever who did this to her."
"This might be a warning or something," Tito Thunder blurted. "Punit din ang picture niyo ni Tyron dito."
Natigilan ako. "Si Tyron?"
"It probably came from your haters," Tita Spirit mumbled. "Since against sila sa partnership niyo ni Tyron."

YOU ARE READING
Touch of Heaven
Romance"Loving him is heaven but it also hurts like hell." Gretel Heinrich strongly believed that the next step for women is to break social stereotypes about who could be the dominant force in a relationship. It isn't always the man. So when she met Heave...