"Now the signs have appeared again, the evil has returned. Only one chosen warrior has the power to defeat this threat."
Master Roshi, Dragonball: Evolution
_____
(Cerus' Point of View)
Nabubwusit siya sa kanyang Patrem. Utusan daw ba siya nito sa isang mission na ayaw niyang gawin. Kapag hindi niya raw iyon ginawa, itatapon daw nito lahat ng gummy candies niya. 'Yon na nga lang ang natitira sa kanya. Pinag-aaralan pa kasi ang mga ingredients niyon ng mga Archimagirus na inutusan niya para gumawa ng katulad ng gummy candies sa earth.
"Tribunus Cerus, mukha ngang may kakaibang nangyari rito," basag ng isang beta sa kanyang pag-iisip.
Nasa sarcina sila ng timog, ang Daksina, matagal ng walang naninirahan doon, tanging Uttara na lang ang nakatayong sarcina. Wala ng pumupunta ngayon dito dahil sa takot na baka nandito pa ang virus pero matagal ng wala ang naturang virus. May vaccine rin sila kaya safe sila. Hindi naman siya naapektuhan ng virus noon dahil nasa sinapupunan pa siya ng kanyang ina tulad ni Philcan.
"Ano kayang nangyari rito?" tanong ng isang beta.
May report kasing nakarating sa kanila na may mga kakaibang nangyayari raw dito sa Daksina, ang misyon nila ay malaman iyon. Captain kasi siya ng isang special unit ng mga beta. Hindi katulad ni Zion na assistant commander in chief ng lahat ng defense unit ng Uttara. Pangalawa sa Patrem nito. Ayaw niya ng gan'on, masyadong maraming trabaho.
"Search the place, siguraduhin niyong wala kayong malalagpasan, contact me kapag may kakaiba kayong nakita,"
"Yes Sir!"
"Disperse!" nagsipag-talunan na ang mga ito. Dalawang beta na lang ang natirang kasama niya.
"Dito tayo," itinuro niya ang isang abandunadong building. Makikita ang kalumaan nito. Puro lumot na lang iyon.
Nakaramdam siya ng kakaibang temperatura sa loob ng building. "Sandali," pigil niya sa dalawang beta.
Dahan-dahan silang naglakad papunta sa kinaroroonan ng kakaibang temperatura.
Nang marating nila ang malaking kwarto makikita roon ang wasak na wasak na mga kagamitan. Naghiwahiwalay sila.
"Tribunus Cerus," nakaupo ang isang beta mukhang may iniimpeksiyon ito. Nakita niya ang malapot na tubig sa sahig. Parang laway iyon ng isang Monstrum.
Mabilis siyang nakalapit dito, "Hindi maaari, imposible, matagal ng ...," narinig na lang nila bigla ang pag-ungol ng isang monstrum sa likod nila.
Mabilis nakarating sa tabi nila ang isa pang kasamang beta, "Tribunus! isang monstrum, pero paanong..," hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil sinugod na sila ng monstrum. Mabilis silang nakaiwas. Nawasak agad nito ang building at ngayon nga ay nasa labas na sila niyon.
Nagsidatingan na rin ang mga malalapit na beta sa direksiyon nila. Kailangan nilang mapatay ang monstrum. Mabilis siyang kumilos.
"Unit assist me," inilabas niya ang special two-edge cutting blade niya.
"Yes Sir!" pum'westo na ang mga ito.
Mabilis siyang nagtungo sa kinaroroonan ng monstrum, hindi agad siya nakalapit dahil tinitira siya ng mga galamay nito. Mabilis niyang naiiwasan iyon. Nasa harap lang siya nito. Nang titirahin na naman siya ng galamay nito.
"Now!" nahuli ng support niya ang isang galamay. Napipigilan na ito ngayon ng special metal string.
Subalit malakas ang Monstrum, ginamit naman nito ang ilan pang galamay.
Pinutol niya ang isang galamay nito.
"Now!" nahuli na naman ang isa pang galamay. Kasunod ng pagkakahuli ng mga natitirang galamay nito.
Tumalon siya malapit sa ulo ng monstrum, ibinaon niya roon ang cutting blade at unti-unti na itong nanghina.
Bumagsak ito at namatay.
"Kunin niyo ang sample ng DNA ng monstrum na ito, papacheck natin sa headquarter para makasiguro tayo," utos niya sa mga beta.
"Yes Sir!"
Dumating ang iba pang mga beta, may kasama itong lalaki.
"Tribunus, nakita po namin ang omegang ito na may kakaibang ginagawa sa lugar na ito," inihagis nito ang lalaki sa unahan nila.
"Patawad, hindi ko alam na .."
"Sandali, kilala kita, ikaw 'yong kakambal ni Alala, anong ginagawa mo rito?" sa una ay hindi niya ito makilala pero ng makita niya sa malapitan ang mukha nito hindi siya pwedeng magkamali.
"Inaalam ko lang kung tama ang mga haka-haka sa Exiguus Societatis ng mga omega..,"
"Wala kang galang! Hindi mo ba kilala ang kaharap mo!" akmang susugurin ito ng isang beta pero pinigilan niya iyon.
"Hayaan mo siyang magpaliwanag,"
"Patawad,"
"Hakuna Matata," nginitian niya ito. "Sige, magpatuloy ka lang,"
"May kumakalat kasing mga kuro-kuro sa Exiguus Societatis na mayroon daw ditong monstrum at mukhang meron nga," tiningnan nito ang namatay na monstrum, "Pero hindi tulad ng sa mga kwento ang mga ito ay mukhang genetically re-engineered na naman gaya ng 'The Reaper Death Virus' dahil ang mga monstrum na ito ay nagmutate rin sa isang single microorganism pero hindi katulad ng virus matagal ang naging mutation nito. Ngayon nga ay fully grown na sila at mabilis ng magreproduce, mukhang hindi alam ng mga genetic scientist ng Daksina na nagkicreate sila ng ikawawasak ng Xenica, tingnan mo tuloy nawala silang parang bula, masyado kasing competitive sa mga scientist ng Uttara,"
Nagtaka siya sa mga sinabi nito, "Pa'no mo nalaman ang lahat ng iyan?"
"Pasensiya na, mahilig lang talaga akong magresearch,"
Ngumiti siya, "Pero kailangan mo pa ring sumama sa amin,"
"Ha? Bakit? Sinabi ko na lahat, ii-interogate niyo pa rin ako?"
"Tumahimik ka Omega! Wala ka talagang galang!"
"Sort of," panloloko niya dito. Nakita niya ang takot sa mukha nito. "Mukha kasing hindi mo pa sinasabi sa akin lahat,"
"Pasensiya na, pero haka-haka lamang iyon wala pa akong matibay na basehan kaya nga nangangalap pa ako,"
"Na ikaw lang mag-isa? hindi mo ba alam na mapanganib ang ginagawa mo, wala kang ibang kakayahan, bukod sa pagiging matalino,"
"Pero..,"
"Hindi pwede, h'wag makulit," teka parang hindi bagay sabihin. Isa rin siya kasing makulit. Pero syempre exception siya.
"Units, let's go!"
"Yes Sir!"
Wala itong magagawa. Kailangan niyang malaman lahat. Lalo pa't nakuha na nito ang atensiyon niya. May pagkakaabalahan na naman siya. Naboboring na kasi siya nitong mga nakaraang diebus. Hindi niya na nakakasama si Philcan at Zion dahil masyadong busy ang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Science FictionSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...