"Fear is not real. The only place that fear can exist is in our thoughts of the future. It is a product of our imagination, causing us to fear things that do not at present and may not ever exist. That is near insanity Kitai. Do not misunderstand me, danger is very real, but fear is a choice. We are all telling ourselves a story and that day mine changed."
Cypher Raige, After Earth
_____
.....And I'm sure he's worth a lot of gold
But you're better than you know
He's no good for you
He's no good for youThat boy's no good for you
You're way too good for him
That boy's no good for you, for you
Wo-oh, wo-oh, wo-oh
No he no good, he no good for you
Wo-oh, wo-oh, wo-oh
No he no good, he no good for youHe drives those fancy cars that you like
But he doesn't call you at night
And tells you he loves you
And he's thinking of you.....
Naririnig niyang may nagpapatugtog sa bahaging iyon ng spacecraft. Hindi niya alam kung ilang araw na silang naglalakbay pabalik sa Xenica. Malawak na kadiliman na lang kasi parati ang nakikita niya sa paglipas ng mga oras.
Lumapit siya sa parang living room ng spacecraft. Nakita niyang naroon ang tatlong alien-slash-mutant. Aba, nagrerelax ang mga kolokoy, umiinom ba ang mga ito with matching music pa talaga. So human.
Ayaw na sana niyang istorbohin ang mga ito subalit nakita siya ni Cerus.
"Abby, join us," tawag nito.
"Naku, hindi na, makakaistorbo lang ako,"
"Of course not, you're part of the family, right Philcan?"
Tumango lang ang tinanong nito. Anong problema nito? Noong nakaraang araw o gabi. Basta! Hindi na lang siya nito pinansin. Ano bang nagawa niya? Wala naman siyang maalala na ginawang ikakasama ng loob nito. Okay naman sila noong huli silang nagkausap. Bakit parang ngayon itinuturing siya nitong invisible?
"Abby are you alright?"
"Oo, pupunta na lang muna ako sa kwarto ko, pasensiya na," ayaw niyang ipakita sa mga ito na nasasaktan siya.
Pagdating sa kwarto.
"Waaaaaaahhh! Hayop ka Philcan! I mean Alien ka! Bakit mo ako ginaganito?! Ano bang nagawa kong mali?!" bigla na lang siyang nag-eemote. Hindi iyak ang ginagawa niya kundi ngawa.
"Magpapakita ka ng kasweetan tapos ano? Hindi mo na lang ako papansinin. Nasaan ang hustisya ha?! Sumagot ka!" patuloy siya sa pagmomonologue.
Girl, unan 'yang kausap mo hindi talaga sasagot 'yan.
Isa ka pa. Umalis ka nga. Lumayas kayo sa harap ko! Iwan niyo akong mag-isa! Parepareho niyo akong sinasaktan!
Abby! Hindi ka pa buntis huwag kang OA, buntis lang ang nagiging emosyonal!
Eh bakit hindi niya na ako pinapansin?
Hindi na sumagot ang kanyang inner self.
Sumagot ka!
Sabi mo iwan ka, tapos ngayon gusto mong sagutin kita! Ang labo mo rin eh!
Ngumawa na naman tuloy siya.
"Bakit ganito ang nararamdaman ko? Eh ano naman kung hindi niya ako pansinin, lintik na damdamin naman kasing ito!"
Napaka-assumera mo kasi 'yan tuloy.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Science FictionSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...