Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)

12.2K 386 6
                                    

"Whatever happens tomorrow you must promise me one thing. That you will stay who you are. Not a perfect soldier, but a good man."

Abraham Erskine, Captain America: The First Avenger

_____

Hanggang sa makarating sila ng Xenica ay hindi niya talaga pinansin si Philcan. Si Zion lang ang kinakausap niya at si Alala.

"Pare, bakit di tayo pinapansin ni Abby?"

"That's because of your stupid suggestion!"

"What suggestion?"

"Don't talk to me!"

"Sungit!"

Kabababa lang nila sa Vionus at ngayon nga ay nasa headquarter sila ng Uttara.

"Optatissimus!" bati agad sa kanila ni Alican. "Kumusta ang galactic expedition niyo?"

"It was the best expedition ever muntik pang mamatay si Philcan!" huli na ng marealize ni Cerus ang sinabi. Sabay sabay pa silang napalingon dito.

"Mukhang marami kayong ikukwento sa akin,"

"Ah..eh..," nagkamot sa ulo si Cerus.

"Okay lang, si Qy na lang kung ayaw niyong magk'wento," hindi na talaga sila titigilan ni Alican.

"Hindi naman sa gan'on Dominus Alican, baka kasi parusahan kami nila Patrem kapag nalaman nila na may nangyari sa paglalakbay namin," kuntodo pa rin sa pag-eexplain si Cerus.

"It's our secret, you can count on me,"

"Good, you're so cool talaga Dominus, marami akong pasalubong sayo galing sa earth,"

"Really? Anyway, bakit nakabusangot iyang si Philcan?" naglalakad na sila papunta sa kinaroroonan ni Alpha Vulcan at ang mga konseho.

"May LQ sila ni Abby,"

"LQ?" hindi naintindihan ni Alican ang sinabi ni Cerus.

"Love Quarrel, Dominus"

"Ah, patay tayo r'yan, Naku pa'no 'yan? Mga ilang diebus pa naman silang hindi magkikita ni Abby,"

"Huh? Why?" bigla na lang nitong itinulak si Cerus at ito ang tumabi kay Alican.

"Kailangan ng ikondisyon ang katawan ni Abby physically, emotionally and mentally para sa egg cells transfusion na gagawin sa kanya,"

"Bakit hindi kailangan makita? Pati ako?"

"Paulit ulit ka na naman ng tanong, kasasabi ko lang diba, and yes nepos, pati ikaw,"

"No way!"

"Yes way!"

Nakarating na sila sa malaking bulwagan ang Praetorium.

"So pa'no magpaalam na muna kayo kay Abby, matagal tagal kayong hindi magkikita," pahayag ni Alican.

Unang lumapit sa kanya si Cerus, "I'm sorry Abby please forgive me, I don't know what I do, but please forgive me I can't stop ...ay hindi bagay 'yong lyrics," natawa siya sa inasal nito.

Mabilisan niya itong niyakap, "H'wag ka ng makulit, okay," tumango itong parang bata. Nagpuppy face pa ito. So cute.

Si Alala ang sunod niyang kinausap, "Alala, magpahinga ka ah alam kong pagod ka sa naging biyahe natin, tutal naman wala ka munang aalalahanin sa ngayon," tumango ito.

"Aayusin ko na lahat ng kakailanganin mo sa mga susunod na diebus," sabi nito.

"Thank you." niyakap din niya ito.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon