Special Chapter (A Tribute for the Graduates)

8.1K 252 5
                                    

Kasabay ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa iba't ibang antas ng edukasyon nalalapit na rin ang pagtatapos ng aking unang istorya sa wattpad. Nais kong magbigay saludo sa mga mag-aaral na nagsakripisyo para makamit nila ang inaasam nilang tagumpay. At kahit ano pa man ang kalagayan mo sa buhay, hindi ito ang naging rason para makamtan mo ang unang hakbang para sa iyong mga pangarap. Lagi kong itinatatak sa isip ko ang sinabi ni Nelson Mandela na ang edukasyon ay ang pinakamalakas na armas para iyong magamit sa pagbago sa mundo. Gamitin natin ito sa tama para baguhin ang kinagisnan nating mundo. Sa lahat ng mga magtatapos, sabi nga nila, lahat ng simula ay may katapusan subalit hindi ito ang katapusan dahil ito pa lamang ang simula ng inyong pakikipagsapalaran sa totoong hamon ng buhay. Ang aking pagbati sa inyong lahat. Congratulations! This one is for you..

_____

"Anak ng pitongput pitong puting tupa naman Philcan! Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin matapos ang report mo! Anong petsa na?! Nagkaugat na ako sa kahihintay niyan!"

"Tigilan mo nga ako Cerus! Heto na nga minamadali na!"

"Bakit ba kasi hindi mo nagawa 'yan kagabi?"

"Binantayan ko ang mga anak ko,"

"Reasons, ang sabihin mo tinamad ka lang gawin 'yan, noon pa mang nasa academy tayo, porke't anak ka ng Alpha, ikaw ang pinakahuling magpasa ng mga report, hanggang ngayon ba naman dala mo pa rin yang kaibigan mong si procrastinate!"

"Nahiya naman ako sa pagpasa mo noon ng mga report ng maaga, eh halos sabay lang tayo!"

"Syempre hinintay lang kita, naawa kasi ako sa'yo, alam mo na, magkasangga tayo sa lahat ng bagay!"

"Kuuu..palusot!"

"Hehe..pero kahit mahirap ang mga training natin nakapasa pa rin tayo, sipag at tiyaga lang talaga at dagdagan mo pa ng kahenyohan ko. Yakang-yaka!"

"Henyo?! Henyo ka?! Saang banda?"

"Oh sige. Sabihin na nating mas matalino sa akin si Zion pero mas matalino naman ako sa'yo,"

"Gago! Angat ako sa'yo ng konti!"

"Weh? Hindi ka nga makabuo noon ng nanorobot sa nanotechnology training natin,"

"Siyempre nanomedicine kasi ako nagfofocus n'on,"

"Naku..itigil na nga natin 'to, feeling ko hindi rin tayo magtatagpo, ano tapos na ba 'yang ginagawa mo?"

"Sandali na lang, maghintay ka lang diyan,"

"Bilisan mo naman!"

Pumasok si Zion sa tanggapan ni Philcan.

"Philcan, narito na ang mga ulat na kailangan mo,"

"Salamat aking kaibigan,"

"Dahil nagpauto ka na naman!"

"Dahil nagpa..tang-ina mo talaga Cerus!"

"Hahahahahahahaha"

Tumunog ang incoming tone sa tanggapan ni Philcan.

"Alpha Philcan, narito po ang Primo Domina,"

"Papasukin mo,"

Tumayo si Philcan para salubungin ang bisita. Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Abby.

"Bakit hindi ka na lang pumasok? Nagpaalam ka pa talaga sa mga information beta,"

"Nahiya ako eh!"

"Kumusta ang mga baby boys ko?! at kumusta ang kleinos ko, mwuah!"

"Okay naman, si Patrem at Alican nagbabantay, kanina pa nga nagpapa..Oh hello boys! Mukhang may importante ata kayong pinag-uusapan, nakakaistorbo ba ako?"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon