Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)

12.9K 417 5
                                    

This planet is 4 solar systems from our own, across the Sea of Bel, at a fixed position of 13-6-90 on sub-center grid 10. It is a solid rich mass, with a dense core of magnetic metallic liquid. The atmosphere is composed of nitrogen, oxygen, and carbon, in amounts 78, 21, and 1% by volume. This is our target. This is Earth. And this is where one of you will serve your planet through the act of pro-creation. 

Graydon, What Planet Are You From?

_____

"Hindi maaari!" iyon ang umalingawngaw na mga salita sa buong kwarto na nagsisilbing tanggapan sa bahay ni Alpha Vulcan.

Naroon si Philcan, si Alican at ang dalawang beta ni Alpha Vulcan na napag-alaman niyang Cronus at Orion ang mga pangalan.

Sinabi niya na kasi kay Alpha Vulcan ang kanyang desisyon, sinabi niya rito na papayag siya na magigi siyang carrier ng magiging apo nito sa isang kondisyon, kailangan niyang bumalik sa earth para maayos man lang ang mga maiiwan niya roon, makapagpaalam siya kahit na nga magsisinungaling siya, okay na 'yon, tutal mga ilang buwan din lang naman siyang mawawala.

"Sa palagay ko Vulcan makatwiran naman ang nais niyang  mangyari," narinig niyang pahayag ni Orion.

"Sang-ayon ako kay Orion, Vulcan, maliit na pabor lang naman ang hinihingi niya kumpara sa pabor na gagawin niya para sa atin," sabi naman ni Cronus.

"Subalit sinong poprotekta sa kanya roon, siya na lang ang natitirang pag-asa natin, he is so precious to us," mukhang hindi pa rin kumbinsido ito.

"Kaya ko naman pong protektahan ang sarili ko," pahayag niya.

"Not to some evil forces," tiningnan siya nito. Okay that look means don't mess with me.

"I will send my filius together with him just to be his protector," sabi ni Cronus. Mabait din pala ang mga ito.

"Me too, Zion can go with them," sabi naman ni Orion. Zion? anak nito ang makatang lalaki. Magkamukha nga ang mga ito. Ngayon lang niya napansin, si Cronus naman ay kamukha ni Cerus. So therefore I conclude ama siya ni Cerus. You're so brilliant Abby.

"I will go also," napabaling lahat ng tingin sa nagsalitang si Philcan.

"But..,"

"I can protect myself and him, Patrem," tiningnan siya nito. Tumagos ang mga sinabi nito hanggang nucleus niya.

Bumuntong hininga si Alpha Vulcan, "Okay, but be sure to come back after all your works are finished,"

"Yes Alpha, you have my word," paniniyak niya.

"Okay then, I'll prepare the Vionus 3X-P1130-HG for maintenance check," tumayo na si Alican.

"Avunculus," sumabay na dito si Philcan. Wala talagang galang ang lalaking ito, hindi man lang nagpaalam.

"Sige po, maraming salamat ulit Alpha," tumango lang si Alpha Vulcan, sumunod na rin siya sa dalawa na nag-uusap ng hindi niya maintindihan.

"May paglalagyan pa ba ng VFR3310F at ng CBR5110R ko?" tanong nito kay Alican.

"Mayroon s'yempre nepos,"

"Good,"

DAHIL na rin kailangan nilang matapos agad ang kanilang expedition pabalik sa earth kaya naman mabilis lang silang nakaalis ng Xenica. Ngayon nga ay naglalakbay na sila sa kalawakan.

Kasama niya ngang naglakbay pabalik sa earth si Cerus, Zion at Philcan maging si Alala ay kasama rin nila. Naka-space suit silang lahat o kung space suit ngang matatawag iyon mukha kasi silang mga x-men na kakalabanin si Magneto. Kanina pa niya pinagmamasdan si Philcan sa suot nitong space suit, aaminin niya sa sarili na sobrang nabibighani siya sa lalaking ito. Parang si Johnny Storm lang ito sa suot nitong suit. Naalala niya na naman tuloy ang nangyari sa kwarto nito no'ng nakaraang araw, hindi talaga siya makamove on sa abs nito at maging sa eeee.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon