"And all becomes clear. Wish I could make you see this brightness. Don't worry, all is well. All is so perfectly, damnably well. I understand now, that boundaries between noise and sound are conventions. All boundaries are conventions, waiting to be transcended. One may transcend any convention, if only one can first conceive of doing so. Moments like this, I can feel your heart beating as clearly as I feel my own, and I know that separation is an illusion. My life extends far beyond the limitations of me."
Robert Frobisher, Cloud Atlas
_____
(Philcan's Point of View)
Ngayon ang diebus na nakatakdang bumalik si Abby. Halo-halo ang kanyang nararamdaman. Grabe ang kaba, excitement, pananabik at pagkabalisa niya. Alam na niya ngayon ang kanyang nararamdaman, iyon ang tinatawag ng mga Xygus na 'the destined soul' o tinatawag sa earth na 'true love'. Narealise niya iyon ng hindi niya ito makita ng ilang mensis. Pero sobra ang kanyang pangamba dahil isang tao si Abby. Hindi niya alam kung may pagmamahal din ba itong nararamdaman sa kanya. Alam niyang sa mga ipinapakita nitong pag-aalaga at pag-aalala ay parte lamang iyon ng pagkatao nito. Sabi ni Cerus sa kanya ay love na raw iyon. Pero ayaw niya nang maniwala sa may mental deficiency niyang kaibigan. Siya na mismo ang didiskubre noon. Kapag nalaman niya na totoong may pagmamahal na rin ito sa kanya, siya na ata ang magiging pinakamasayang Xygus sa buong Xenica.
Ngunit naisip niya rin na kung sakaling pareho sila ng nararamdaman, isa sa kanila ang kailangang magsakripisyo. Magkaiba sila ng mundong ginagalawan. Hindi p'wedeng walang magsakripisyo sa kanila. Willing siyang gawin iyon pero marami na namang consequences ang mangyayari. In every major decision he will make arises another problem because he is the succeeding Alpha.
Napakahirap ng sitwasyon nila.
"Philcan!" nabasag ang kanyang pag-iisip ng biglang sumulpot si Cerus,"Ngayon ang dating ni Abby, hindi ba? bakit parang hindi ka excited? tingnan mo itsura mo, mukha kang zombie dude!" alam niya iyon ah. 'Yong katulad iyon ng pinapanood nilang series nito. The Walking Dead ba 'yon? Gan'on na ba talaga siya? Tiningnan niya ang sarili sa glass wall nila. Anong nangyari sa itsura niya?
"Yan kasi, magkulong ka lang sa kwarto mo, grabe senk diebus kang hindi naligo. Kadiri ka. Depress na depress lang ang peg, kala mo iniwan ng bongga,"
"Ano?!" ano bang pinagsasasabi nito, hindi niya ito maintindihan.
"Wala, maligo ka na nga, mamaya darating na 'yon, maaabutan ka niyang ganyan, bawas pogi points 'yon,"
Hindi niya na lang pinansin ang mga sinabi nito tutal naman hindi niya maintindihan iyon. Nagsimula na siyang mag-ayos para kahit papano ay presentable siyang makita ni Abby. Pero kung gaano siya kaexcited noon na makita ito, ngayon naman ay parang naduduwag siyang harapin ito. Ano na naman bang problema sa kanya? Grabe ganito pala kakumplikado ang magkaroon ng itinadhana kaya pala parating umiiyak ang mga umiibig sa earth gaya ng mga napapanood nilang movie nila Cerus.
Matapos ang kanyang paghahanda nagkita sila ni Zion sa headquarter kung saan naroon ang Praetorium na lalabasan ni Abby. Naroon na rin ang Omega nito ng dumating sila.
"Bonum Meridianus!, Alpha Philcan, Beta Zion," bati nito sa kanila. Tumango lang siya bilang pagtugon.
"Nasaan pala si Cerus? Kanina lang kinukulit ako tapos bigla na lang nawala sa bahay," tanong niya kay Zion.
"Siya'y mahuhuli raw ng dating dahil may gagawin," sagot ni Zion.
"Ano naman ang gagawin niya?"
"Yan ang hindi niya ipinabatid,"
"Baka may kalokohan na namang ginagawa ang isang 'yon,"
Nagkibit balikat lang ang kanyang kausap.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Fiksi IlmiahSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...