Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)

10.7K 282 5
                                    

"It's funny, you work so hard, you do everything you can to get away from a place, and  when you finally get your chance to leave, you find a reason to stay,"

Vincent, Gattaca

_____

(Philcan's Point of View)

Mahimbing na natutulog ang tatlong mumunting baby niya sa enclosed apparatus dito sa medical facility breeding ground room. Nagpapahinga na ngayon si Abby sa recovery room, naging successful ang operation at nagpapasalamat siya sa bagay na iyon dahil ligtas ang kanyang peter et filius.

Kapag nakikita niya ang bunga ng pagmamahalan nila ni Abby hindi niya maiwasang manubig ang mga mata. Ganito pala ang pakiramdam ng isang Patrem. Kahit gaano pa katatag at katigas ang pagkatao niya makita niya lang ang tatlong munting filius niya ay lumalambot ang kanyang puso.

Bumalik sa alaala niya lahat ng mga pangyayari lalo na ng magtapat siya ng nararamdaman kay Abby.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito? Kala ko ba magdi-date tayo,"

"Nagdidate nga tayo," tipid niyang sagot. Napilit niya rin itong sumama sa kanya kahit na nga puro reklamo ang inabot niya. Kesyo naiistorbo raw niya ang panonood nito ng palabas. Kesyo mainit raw. Pero ng isakay niya ito sa CBR5110R niya naging tahimik na ito. Mukhang nagustuhan na rin nito ang pakikipagdate sa kanya. Masaya kasi nitong pinagmamasdan ang kapaligiran. Ang akala niya ay matatakot ito ng paliparin niya ang CBR5110R pero mukhang nagustuhan nito iyon. Dadalhin niya kasi ito sa isla na tanging paglipad lamang ang paraan para makapunta.

Nang nasa himpapawid na sila panaka-naka niyang ninanakawan ito ng halik kanina. Iyon ang kanyang layunin kaya pinaupo niya ito sa harap para manakawan ng halik.

"Bakit dito? dapat sa sector Ba tayo pumunta, maraming makakainan doon, hindi rito sa gubat...teka pumunta na tayo rito dati ah," mukhang napansin din nito ang lugar.

Gusto niya kasing maging espesyal dito ang pagtatapat niya ng nararamdaman kaya naisip niyang dalhin na ito sa talon na noon nga ay naudlot. Balak niya na kasing sabihin dito ang laman ng kanyang damdamin. Lalong kinabahan siya sa naisip na pagtatapat. Mukhang pinagpawisan ata siya. Kahapon niya pa pinagpapraktisan ang mga sasabihin at talagang sinaulo niya pa. Ang kaso makakalimutan niya ata lahat dahil sa sobrang kabang nararamdaman.

"Uy Philcan..lutang ka na naman, ano bang nangyayari sayo?" untag sa kanya ni Abby.

"Ah. Wala. Halika na nga," nauna siyang naglakad habang magkahawak sila ng kamay. "Maganda ang lugar na pagdadalhan ko sayo, sobrang espesyal 'yon para sa akin, doon ako kadalasang nagsasanay mag-isa para kontrolin ang aking kakayahan," pagkukwento niya rito para mabawasan ang kabang nararamdaman.

"May makakainan ba r'on?"

"Meron," pinaset-up niya pa talaga ang lugar na iyon para maging maganda sa paningin ni Abby. Sa tulong siyempre ng kanyang matatalik na kaibigan.

"Kung gayon bilisan na natin, nagugutom na ako," nauna na itong maglakad habang hila-hila siya. Bigla itong huminto, "Mauna ka pala, hindi ko alam papunta,"

Ngumiti siya, "Sige lang, sasabihin ko naman sa'yo ang daan," ganito pala ang feeling ng nakikipagdate. Sobrang gaan sa pakiramdaman lalo na ang kasama mo ay ang nilalang na may malaking puwang sa'yo. Medyo nawala ang kanyang kaba ng mga sandaling iyon.

Narating nila ang talon, tulad ng kanyang inaasahan sobrang ganda pa rin nito. Makikita ang pagdaloy ng malakas na tubig na nanggagaling sa taas pababa sa isang malawak na batis. Makikita ang luntiang kulay ng tubig sa baba ng talon.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon