Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)

10.8K 280 6
                                    

"A veces el conocimiento da asco,"

James Dashner, The Maze Runner

_____

(Alican's Point of View)

Nasa Praetorium si Alican kung saan ginaganap ang meeting ng council sa Uttara. Isa siya sa mga member ng council na ang pinakapinuno ay ang kanyang kapatid na si Vulcan. Binubuo ang council ng mga pinuno ng bawat sangay sa Uttara. Nariyan ang sangay ng mga omega na pinamumunuan ni Ophiuchus, ang sangay ng defense and security na pinamumunuan ni Orion, ang sangay ng special search and investigation and special operation na pinamumunuan ni Cronus. Samantalang siya naman ang namumuno sa medical unit, advance engineering technology and scientific research and discovery. Lahat ng pinuno ng mga sangay ay naroon na, puno na ang mga upuan sa mahabang mesa, si Vulcan na lamang ang kanilang hinihintay.

Ngayon lang nahuli ng dating ang kanyang frater. Mukhang hindi na naman nito maiwan ang mga nepotem. Hindi niya masisisi ito dahil kahit siya ay wiling-wili sa mga anak ni Philcan at Abby. Nagkaroon nang liwanag ang buong Xenica ng maipanganak ni Abby ang tatlong mumunting Xygus. Ngayon nga ay natapos na rin ang mahabang paghahanap niya ng solusyon para hindi mawala ang lahi ng mga Xygus sa universe. Masasabi niyang ito na yata ang pinakamatagumpay sa lahat ng research study niya.

"Alican, kailan naman daw ipapakita ni Vulcan ang kanyang mga nepotem?" nawaglit ang kanyang pag-iisip ng marinig niya ang tanong ni Cronus. Nakaupo ito sa kaliwa niya.

"Hindi ko alam eh," nagkibit balikat siya. "Mukhang pinagkakait," sinabayan niya ito ng ngiti.

"Malalaman natin 'yan mamaya, mukhang isa 'yan sa pag-uusapan ng konseho," sabi naman ni Orion. Nasa kabilang upuan ito katapat nila.

Naririnig niya na rin na nag-uusap ang iba pang member ng council at iisang topic lang ang pinagtutuunan ng mga ito, ang mga bagong baby sa Xenica.

"Batid kong maganda ang panagano ngayon ng konseho pero may malaki tayong problemang kahaharapin," paghahayag ni Cronus.

Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Nitong mga nakaraang mensis pinag-aaralan na nila ng kanyang team ang kakaibang nakita nila Cerus sa Daksina. Matagal na silang nangangalap ng impormasyon tungkol sa monstrum.

"Mukhang isa rin 'yon sa pag-uusapan...,"

Naputol ang sasabihin ni Orion ng pumasok na sa Praetorium si Vulcan. Kitang kita sa itsura nito ang pagiging masaya kahit na nga naroon pa rin ang aura nitong nakakapanindig balahibo. Mabilis itong nagtungo sa pinaka-gitnang upuan.

"Bonum Mane Alpha!" sabay-sabay na sabi ng mga naroon.

"Bonum Mane! Calo incipere autem milana!" hudyat iyon na simulan na ang pag-uusap.

Unang napag-usapan ang mga simpleng bagay sa pamumuhay ng mga Uttaraian. Mabilis lang iyon dahil maayos ang pamamahala sa Uttara, napakadisiplinado kasi ng mga Xygus at talagang ginagalang nila kung sinuman ang kanilang pinuno o dux. Wala ring nagaganap na corruption sa Uttara 'di tulad ng lugar na pinanggalingan ni Abby. Natawa nga siya minsan ng makita sa tinatawag ng mga ito na TV ang mga opisyal na nagmemeeting ay parang mga pullum na animo'y nag-aaway dahil puro nagkukunwaring magagaling. Lalo na sa mababang kapulungan o house of representatives kung tawagin. Sa mahabang pag-uusap ng mga iyon ay nauwi lang sa wala dahil hindi naman nasolusyunan 'yong issue bagkus 'yong mga pansariling interes lang ng mga nakaupo ang napagtuunan ng pansin. A rubbish system. Nakakatawa lang.

Sunod na napag-usapan ang tungkol naman sa forces ng Uttara. Nagsasalita na ngayon si Orion. Nang matapos ang pagsasalita ni Orion dumako na ang sunod na pag-uusap sa isa sa pinakaimportanteng agenda ng meeting na iyon. Itinuon niya na ang kanyang full attention dahil sa malamang magsasalita na siya.

"Gusto kong malaman kung ano na ang balita sa monstrum na nakita sa Daksina, ilang mensis na ang nakakalipas simula ng lumabas ang naturang monstrum hanggang ngayon ay wala pa rin tayong sapat na kaalaman sa monstrum na iyon," sa kanila nakatingin ngayon si Vulcan.

Unang nagsalita si Cronus, "Under surveillance pa rin ngayon ang Daksina at wala munang nakakapunta sa sarcina, sa ngayon ay wala pa ring namamataan na monstrum sa lugar," tumango tango si Vulcan.

"Alican, ano ang natuklasan niyo tungkol sa monstrum?" baling naman sa kanya ni Vulcan.

Okay, here we go, "Napag-alaman namin sa loob ng mga ilang mensis na pag-aaral sa genetic make up ng monstrum, ito nga ay re-engineered na nagmutate sa matagal na panahon, mukhang pinaghalo-halo ang iba't ibang genes ng mga monstrum noong panahon ng Seditionem sa Xenica at nabuo nga ang tulad nitong monstrum, mayroon ng pag-aaral ang mga Daksinaian scientist sa naturang monstrum, tinawag nila itong Akkorokamui, isang cephalopod mollusc siya kina-tegorized ng mga Daksinaian dahil mukha itong gigantic polypus-like monster pero ang katawan nito ay parang metal form at base sa pag-aaral mapaminsala ang mga Akkorokamui at napag-alaman din namin na may kumukontrol dito," nagkaroon ng bulung-bulungan sa mahabang lamesang iyon.

"Tahimik!" nanginig ang buong kwarto sa boses ni Vulcan. "Sinasabi mo bang may kumukontrol sa monstrum?"

"Malakas ang aking paniniwala,"

"Sino naman ang gagawa n'on?" may biglang nagtanong.

"May mga nabubuhay pa ba sa Daksina?" sinundan pa ng isa.

"Mga Daksinaian nga ba ang kumokontrol? alam nating wala na sila, matagal na," at isa pa.

"Cronus, alamin mo kung sino ang kumokontrol sa monstrum, magtalaga ka ng special unit para r'on pero gawin mo ito ng palihim, ayokong kumalat sa buong Uttara ang tungkol dito," bumaling naman ito sa ibang nakaupo sa naturang mesa,"Ang aking kalatas ay dadalayday maging sa ibang sangay, uulitin ko, mananatili muna itong sekreto para sa ikabubuti na rin ng mga Uttaraian, iwasan natin na magkaroon ng takot at pangamba ang lahat," tumango lang ang lahat sa awtoritadong pahayag ni Vulcan.

"Orion, higpitan ang seguridad sa buong Uttara,"

"Masusunod,"

"Ophiuchus, nais kong maging mapagmatyag din kayo at maging sa ibang sangay, ipaalam niyo agad sa information and communication unit kapag may mga kakaibang nagaganap sa mga lugar niyo,"

"Algorab, kayo ang may pinakacrucial na trabaho, kailangan bawat sandali ay naka-alerto sa lahat ng sangay kapag may nalaman kayong kakaiba," pagtukoy nito sa head ng information and communication.

"Masusunod Alpha,"

"Alican, dahil sa kayo ang nakakaalam ng kakayahan ng monstrum nais kong ipabatid mo sa lahat ng sangay ang mga maaaring maramdaman kung sakaling malapit lamang ang monstrum, ipagpatuloy niyo lamang ang pag-iimbestiga at kung pa'no malalabanan ang monstrum,"

"Okay," dagdag trabaho na naman. Ano ba naman yan! Life is so unfair! Hehe.

"Uulitin ko! Lahat ng ito ay mananatiling palihim!" ulit-ulit talaga itong kapatid niya. Not so cool dude!

"Animadvertendum Alpha," sabay-sabay na tugon ng mga nar'on habang siya ay bumubulong-bulong lang.

"Autem milana est sthagita!" tumayo na ito.

"Vulcan sandali, kailan mo raw ipapakita ang mga nepotem mo?" natigilan ito sa tanong niya.

Mukhang iyon din ang hinihintay ng ibang naroon, "Si Philcan at Abby ang makakasagot niyan at alam niyo ang ugali ng anak ko, kapag ayaw niya, ayaw niya kapag gusto niya, gusto niya, subalit h'wag kayong mag-alala isa sa mga diebus na ito gaganapin natin ang Concilium Milana sa bahay para makita niyo ang mga nepotem ko," nahimigan niya ang kagalakan sa boses nito kahit na nga may awtoridad iyon.

Ngumiti naman ang lahat sa mga sinabi ni Vulcan.

Natapos ang meeting ng council na dagdag trabaho na naman, "Work! work! work! Life is so unfair!"

_____

Credits

Photo

Akkorokamui- a fully grown cephalopod mollusc that is like a gigantic metalic polypus monster.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon