"If one of us has to be destroyed, let's make damn sure we're the ones alive at the end. Our genes won't let us decide any other way. Nature can't evolve a species that hasn't a will to survive. Individuals might be bred to sacrifice themselves, but the race as a whole can never decide to cease to exist."
Graff, Ender's Game-Orson Scott Card
_____Sa isang planeta sa malayong galaxy, nakatira ang mga Xygus, mga nilalang na katulad ng tao sa planetang earth. Daang libong kalpa na ang nakakaraan masayang namumuhay ang mga Xygus sa kanilang planeta, ang Xenica. Ngunit isang pangyayari ang sumira sa maayos at payapang pamumuhay ng mga Xygus.
Ang mga Xygus ay gumagamit ng ibang salita kaya para sa ikauunawa ng lahat gumagamit sila ng highly advanced technology na kapag nabasa mo o narinig ang kanilang sinasabi ay mauunawaan mo agad ito dahil kusa itong nagtatranslate sa kung anong salita ang sanay kang gamitin. Gumagamit sila ng device na once natransfer na ang vibration sa ating tainga ay natatranslate na ito. Kaya hindi na katakataka na nauunawaan natin ang sinasabi nila.
"Alican, ano ang maaari nating gawin sa problemang ito na kinakaharap ng ating planeta?"
"Kailangan nating maghanap ng kaparehong deoxyribonucleic acid ng anak mo para magkaroon ng mating at makapagproduce tayo ng mga babies na bubuo sa bagong Xenica," paliwanag ni Alican, isang genetic scientist sa planetang Xenica.
"Pero saan naman tayo maghahanap, nakuha mo na lahat ng DNA sample ng mga Xygus dito sa planeta natin pero walang nagmatch para sa anak ko, nauubos na ang panahon natin, kapag nagtagal pa ito, mawawala na sa galaxy ang planeta natin,"
Naglakad si Alican papunta sa isang napakalaking flat screen.
"Visual of Via Lactea," sa sinabing iyon ni Alican bigla na lang nag-appear sa napakalaking screen ang isang galaxy na kinabibilangan ng solar system. Makikita ang iba't ibang planeta na naroon at bilyong mga bituin.
"Anong ibig sabihin nito?"
"Focus on Gaia," biglang nagzoom-in ang nasa screen at tanging makikita na lang doon ay ang earth at ang mga atmospheric details nito.
"Yan ang Gaia o tinatawag ng mga nakatira sa planetang iyan na Earth, matagal ko ng pinag-aaralan ang planetang iyan, magkahawig sila ng Xenica, gaya ng mga Xygus pareho rin natin ang mga nakatira riyan, ang mga tao, pero iba ang klase ng kanilang pamumuhay, mas advanced tayo kaysa sa kanila pero pareho lang ng structure ang mga katawan natin," mahabang paliwanag ni Alican.
"Anong gusto mong mangyari?" naguguluhan pa rin ang kanyang kausap.
"Diyan tayo kukuha ng magdadala ng magiging anak ng anak mo, possibleng may magmatch na DNA sa anak mo," paliwanag niya.
"Sabihin na nating maaaring tama ka, pero napakalayo ng planetang iyan, 3 galaxy ang dadaanan bago makarating sa planetang iyan," itinuro pa nito ang nasa screen. "At hindi ba mapanganib para sa atin ang pumunta,"
"Wala na tayong ibang magagawa, ito na lang ang nakikita kong paraan para hindi matigil ang lahi natin, ikaw, anong desisyon mo?"
Matagal itong nakatitig sa screen, "Pag-iisipan ko," 'yon lang at tuluyan na itong lumabas sa kanyang highly advanced laboratory.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Science-FictionSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...