"This thing is like any intelligence. It needs to grow, to advance. Right now it's settling somewhere it thinks it's safe from outside threats. Somewhere its massive appetite for power can be met. But it will want more than that. After a while survival won't be enough. It will expand, evolve, influence- perhaps the entire world,"
Max Waters, Transcendence
_____
(Vlex's Point of View)
"So, anong sasabihin mo sa akin? Sinundan mo pa talaga ako rito," nakita niya ang hindi makapaniwalang itsura ng kanyang amo.
"Nalaman ko na kung sino ang kumokontrol sa mga Akkorokamui,"
"Huh? Pa'no? Alam ba ito ni Dominus Alican?" may pagtataka pa rin ito.
"Hindi, tanging ikaw pa lang ang nakakaalam, wala pa akong pinagsasabihan, wala pa kasi akong matibay na ebedensiya," paliwanag niya.
"Naku naman!, dapat kinontak mo na lang ako, hindi ka na sana sumunod dito, p'ano na lang kung sugurin tayong bigla rito ng mga monstrum, hindi kita mapoprotektahan!"
"Kaya kong protektahan ang sarili ko, hindi ko kailangan ng proteksyon mo!" umiinit talaga ang ulo niya kapag feeling niya ay parati siyang pabigat. Napagtanto niya ang kanyang sinabi ng takang tumingin sa kanya si Cerus. "Patawad, hindi ko sinasadyang sabihin iyon,"
Ngumiti ito, "Ang astig mo pala kapag nagagalit ka,"
"Summus, seryoso ako,"
"Bakit seryoso rin naman ako ah?!"
Hindi niya na lang pinansin ang patutsada nito, inayos niya ang kanyang sarili, "Natuklasan kong ang mga monstrum ay kinukontrol ng mga Gamma,"
Nagulat ito sa sinabi niya, "Ano!?"
Tumango siya.
"Impossible, pa'no mo nasabi ang bagay na iyon?"
"Kaya nga hindi ko pa pinapaalam kay Alpha Alican dahil ganyan ganyan din ang magiging reaksyon niya katulad ng reaksyon mo ngayon," ito naman ang nag-ayos sa sarili.
"Sure ka ba sa bagay na 'yan?"
"Malakas ang pakiramdam ko na sila at wala sila rito sa Daksina , may palagay akong nasa ibang parte sila ng Sarcina,"
Huminga ito ng malalim, "Vlex, bumalik ka na sa Uttara,"
"Ayoko, dito lang ako, sasamahan kita, mag-iimbestiga rin ako,"
"Huwag ka ngang makulit, sundin mo naman ako, ako pa rin ang Summus mo," nasaktan siya sa pagkakasabi ng huling mga salita, may diin iyon. Saka kasasabi lang nito kanina na hindi nito kinokonsedera ang pagiging amo nito, bakit ngayon nagbago na naman ang isip nito? Mali ang kanyang unang impression dito katulad din pala ito ng mga ibang betang kilala niya.
"Bahala ka, maghanap ka ng wala, ang monstrum na nakita niyo ay plinano para matuon ang lahat ng atensiyon niyo rito, kailangan mo ring tingnan ang ibang anggulo sa ginagawa mong imbestigasyon, on the first place dapat alam mo 'yan dahil ito ang trabaho mo," tumalikod na siya.
"Naniniwala ako sa sinasabi mo, alam kong nagsasabi ka ng totoo nakita ko iyon sa mga mata mo!" malakas na sabi nito, napatigil siya sa paglalakad. "Subalit pa'no ka nagcome-up sa gan'on, syempre may basehan pa rin iyon," nakatalikod pa rin siya rito.
Hinarap niya ito at matamang tinitigan,"Sasabihin ko sa'yo kapag may matibay na akong ebedensiya, umuwi ka na, wala kang mapapala rito," wala siyang pakialam kung marahas man ang dating ng mga sinabi niya rito.
"No, sabihin mo sa akin ngayon na mismo, pumunta ka rito para sabihin na wala rito ang hinahanap ko tapos 'di mo naman sasabihin kung pa'no mo nalaman, sabihin mo na that's an order!" ayon na naman ang diin sa pagsasalita nito.
ILANG ORAS bago ang pagkikita ni Vlex at Cerus.
"Oh Vlex, nakabalik ka na pala, pinapasabi ni Alpha Alican na kailangan niya raw ng report mo tungkol sa iba pang kakayahan ng mga Akkorokamui," hindi niya gaanong maintindihan ang sinasabi ng kanyang kasamahan sa research department. Inaalala pa rin kasi niya ang gagawing mission ni Cerus, kagagaling niya lang sa tanggapan ng ama nito. Nagkita nga sila roon pero hindi niya napigilan ang gustong mangyari nito.
"Vlex, naiintindihan mo ba ako?" kumaway kaway pa ito sa harap ng mukha niya.
Tinapik niya ang kamay nito, "Oo,"
"Bakit parang malalim ang iniisip mo?"
"Ah.Wala may sumagi lang sa isip ko tungkol sa research natin," palusot niya.
"Nakakawalang gana na nga itong ginagawa natin, wala tayong mahagilap na ibang impormasyon, bukod sa ang monstrum ay nagmula sa Daksina at may kumukontrol dito,"
"Farria, tingin mo, mga Daksinaian scientist talaga ang gumawa ng ganitong klase ng monstrum, gan'on ba sila ka-equipped para makagawa ng isang napaka-dangerous na nilalang?" may palagay siyang hindi kaya ng mga Daksinaian gumawa ng gan'ong kalakas na monstrum.
"Diba nga sabi ni Alpha Alican, nagmula raw ang concept na iyon noong panahon ng Seditionem sa Xenica, siguro inisip ng mga Daksinaian na makagagawa sila ng hindi na dangerous tulad noon pero nabigo sila," mahabang explenasyon nito.
Nagmadali siyang nagpunta sa computer na ginagamit niya rito sa lab, "Open," itinapat niya ang kanyang mga daliri sa glass transparent screen niyon at bigla na lang nabuhay ang computer.
Mabilis na lumapit sa kanya si Farria, "Anong gagawin mo?"
Panahon ng Seditionem sa Xenica. Iyon ang panahon kung saan magulo pa ang Xenica. Walang maayos na pamamahala at nagsisimula pa lang ang civilization ng mga Xygus.
Matamang tumitingin lang si Farria sa ginagawa niya, "Ano bang nangyari ng panahong iyon?"
"Alin?"
"Seditionem sa Xenica,"
"Ah," tumango tango ito, "Bakit mo naman gustong malaman?"
"Baka may makuha tayong sagot,"
Nagtataka man ay tumulong na rin ito sa kanya, "Search mo 'yong panahon kung saan nagkaroon ng mga guerra sa Xenica,"
Tumango-tango siya, "Ginamit kaya nila ang monstrum ng mga panahong iyon?"
Naging interesado na rin ito sa usaping iyon,"Hindi, concept pa lang iyon, hindi pa nila nasisimulan, kaya nga ang mga Daksinaian na ang tumuloy doon dahil nawala na ang mga Gamma,"
"Gamma?"
"Galing sa kanila ang concept,"
Nasa harap na nilang pareho ang history ng iba't ibang battle sa Xenica.
"Dito ka magsimula," utos sa kanya ni Farria. Itinuro pa nito sa kanya ang mga nakasulat sa glass wall na computer.
Sinimulan niya ang pagbabasa.
_____
Credits
Photo
Observatory Division- the advance facilities in galactic headquarter under Alpha Alican's supervision
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Ciencia FicciónSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...