"The future of our species begins now,"
Erik Lehnsherr (Magneto), X-Men: Days of Future Past
_____
"ANO!?" gulat na gulat si Abby sa nalaman. "Nagpapatawa ka ba?!" tanong niya kay Alican. Hindi na niya napigil ang matawa. Nasa hapag-kainan sila para mag-almusal.
Tiningnan siya nito.
Umayos siya, "Sorry, pero impossible talaga ang sinasabi mo," hindi pa rin siya makapaniwala sa natuklasan.
Maaga siyang nagising para paghandaan nga kung ano man ang magiging role niya sa planetang ito. Pero muntik na siyang mabulunan ng malamang gagawin lang siyang baby maker. O diba nakakatawa. Alam ba ng mga ito na wala siyang fallopian tube.
"Hindi impossible iyon," pagtutol sa kanya ni Alican.
"I'm sorry Alican, gusto ko mang tulungan kayo pero wala akong magagawa, hindi ako babae, lalaki ako, walang egg cells sa katawan ko, mas mabuti pang ibalik niyo na lang ako sa planeta namin at maghanap na lang kayo ng iba, at sa susunod babae ang hanapin niyo," mahabang sabi niya.
"Sa'yo lang nagmatch ang DNA ng anak ni Vulcan, at kaming mga Xygus ay pwedeng mabuo sa pamamagitan ng DNA matching, kapag magkapareho ang DNA pwede nang makabuo ng haploid gametes in the process of mitosis and meiosis as part of biological process by which new individual organism are produced," naguluhan siya sa paliwanag nito. Sumakit ata ang ulo niya.
"Yong madali ko namang maintindihan,"
"Ganito, gagawa kami ng egg cells sa pamamagitan ng mga DNA mo, kaya huwag kang mag-alala kung wala kang egg cells,"
"So kukuha kayo ng DNA sa akin na gagawin niyong egg cells tapos ilalagay niyo ang nakuha niyong DNA sa akin sa babae tapos kukuha rin kayo ng sperm cells sa lalaking sinasabi mo, gan'on?"
"Naisip namin ang ganyang paraan pero hindi siya pwede, mamamatay ang egg cells na ginawa galing sa DNA mo kapag hindi ikaw ang nagcarry n'on at hindi pwedeng kunan ng sperm ang isang Alpha, mabilis mamatay ang mga iyon dahil sa makapangyarihan ang mga Alpha,"
"So, balewala rin, pa'no ko naman makicarry ang egg cells na gagawin niyo eh wala akong paglalagyan n'on," saan niya naman ilalagay iyon sa small intestines niya.
"Alam mo ba 'yung sea creatures na hippocampus kung pa'no sila magreproduce?"
"Hindi, wala kaming gan'ong animal,"
"Seahorse sa inyo,"
"Ah, so anong kinalaman ng seahorse dito?"
"Alam mo ba kung pa'no sila magreproduce, ang male seahorse ang nagkicarry ng anak nila, binibigyan lang ito ng female seahorse ng egg cells, inilalagay ng male seahorse ang mga egg cells sa male's pouch nito, ganun din ang gagawin natin sayo, ilalagay ko ang egg cells na ginawa ko sa male's pouch mo,"
"Hindi ako seahorse, wala akong male's pouch,"
"Diyan ka nagkakamali, meron ang lahat ng human male na male's pouch, hindi palang talaga alam ng mga gastroenterologists niyo na may function iyon kaya naman isinama na lang ng mga physicians niyo as part of sigmoid colon, sa large intestines matatagpuan iyon sa pagitan ng sigmoid colon at rectum, kung sa babae ay uterus sa lalaki naman ay male's pouch,"
"Okay, sabihin na nating tama ka, pero sabi mo hindi pwedeng kunan ng sperm ang mga Alpha so pa'no na?"
Tumawa ito ng bahagya, "Gusto mo talagang i-elaborate ko pa, oh sige ganito. Matapos nating ilagay ang egg cells sa male's pouch mo, siyempre maghihintay siya ng sperm cells d'on, pa'no mangyayari iyon? Kailangan mismong i-insert saiyo kung saan lumalabas ang sperm,"
Natakpan niya ang kanyang bibig, "Ibig mong sabihin?" tumango ito.
"Wala akong butas katulad ng sa babae,"
"Wala nga ba?" ngumiti ito.
"Huwag mong sabihing pwede sa ..," hindi niya maituloy pero kahit hindi niya mabuo ang kanyang pangungusap mukhang naiintindihan naman nito kaya tumango lang ito.
"Oh no! sasakit ata ang ulo ko!" makikipagsex siya sa hindi niya kakilala at siya ang magiging bottom at ang mas malala sa alien pa. Juice colored.
"Pag-isipan mo ng mabuti,"
"Wala ba kayong ibang mahanap, ang daming tao sa earth, bilyon bilyon ang nakatira d'on ba't ako pa?" wala pa naman siyang karanasan pagdating sa bagay na iyon.
"Sa tingin mo ba, hindi namin ginawa iyon? tanging ikaw lang ang nakamatch sa DNA ng anak ni Vulcan, wala ng iba, sabi nga sa inyo only in the Philippines," ngumiti na naman ito.
"Pa'no nangyari iyon eh blood type ko nga ay O, madaming gan'on sa Pilipinas,"
"Hindi naman sa blood type lang 'yon, marami pang pinagbasehan," mukhang napapagod na ito sa kapapaliwanag sa kanya.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila.
"Ahm, Alican pag-iisipan ko muna ang bagay na ito, kung pwede?"
"Sa akin okay lang, hindi ko alam sa kapatid ko," bigla siyang kinabahan, maalala pa lang niya ang galit na mukha nito ay natatakot na siya.
"Ano kasi..alam mo 'yon..," nahihiya siyang sabihin.
"Awkward? Kasi pareho kayong lalaki, gan'on? Wala sa aming mga Xygus 'yon, hindi kami nakabase sa sasabihin ng sinuman, nakabase kami sa nararamdaman at sa pwersang naglalapit sa mga Xygus kapag sila ang itinadhana sa isa't isa," mabuti na lang pala ay bading siya kasi masisikmura niya iyon kung sakali ngang mangyari ang kinatatakutan niya, eh pano na lang kung tunay siyang lalaki, siguro nasa suicidal stage na siya.
"Iyon na nga wala kaming nararamdaman para sa isa't isa," hindi pa rin tama na basta na lang siyang kunin at gawing palahian. May prinsipyo siya sa buhay ang ibigay ang kanyang hiyas sa taong mahal niya. Charot!
"Special case 'yung sa inyo, parang tinatawag sa earth na fixed marriage, sa inyo naman fixed carriage," tumawa ito. Joke ba 'yon? Seryoso?
"May isa pa akong concern, ano kasi eh..ano..ahm..wala kasi akong karanasan sa ..you know..sex," nahihiyang sabi niya.
"Gan'on ba? Wala naman ding karanasan 'yong makakaniig mo, quits lang," tumawa na naman ito. Batukan niya kaya ito. Pagtawanan daw ba ang pagiging unexperience niya pagdating sa bagay na iyon.
Natapos na nila ang almusal.
"So ano, tara na! i-meet na natin 'yong makakasex mo," tukso nito sa kanya, "Problema rin kasi ang isang 'yon," sumimangot siya. Parang ang dali lang para rito. Siya nga ay hindi pa buo ang kanyang desisyon. Pero may choice ba siya? Bihag siya at kapag hindi siya pumayag. Tsugi ang aabutin niya.
Tinawag na nito si Alala at ang dalawang bantay. Hinawakan ni Alican silang dalawa ni Alala sa balikat samantalang nakahawak naman sa balikat nito ang dalawang bantay. At sa isang iglap nasa isang sala na sila ng malaking bahay. Gan'on din ang kulay ng bahay, white and black at mga salamin karamihan.
Saktong pababa naman ng hagdan si Vulcan. Yumuko ang tatlo maliban sa kanila ni Alican. What's with these people..i mean with these aliens, maybe that was their sign of respect to the Alpha. Ipinagkibit balikat niya na lang iyon.
"Philcan!" umalingawngaw sa buong bahay ang boses nito. Ganito ba talaga ito, parating napakalakas ng boses. Nakakatakot namang father-in-law ito kung sakali.
Asa ang binabaeng birhen!
Che!
Ano kaya ang mukha ng anak nito? Baka naman sobrang pangit dahil ni isa man wala siyang nakitang pangit sa lugar na ito, baka iyon ang halimaw talaga, baka kamukha ni kokey, ano na lang magiging itsura ng anak niya?
Akala ko ba hindi ka pa nakakapag-decide!
Che!
"Philcan!" ulit ni Vulcan, hindi iyon sigaw pero sobrang lakas.
Mayamaya pa ay may lumapit ditong lalaki na pupungay pungay. Nakasando itong puti at puting pajama.Kinukusot pa nito ang mga mata.
Napanganga siya ng makita ang mukha ng lalaki.
Nakatitig na rin ito sa kanya.
Ang lalaking nangakong babalikan siya.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Science FictionSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...