Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)

13.7K 449 14
                                    

"We fought the infection. We survived the apocalypse. And now, we face extinction."

Alice, Resident Evil: Extinction (2007)

_____

Masarap ang pakiramdam ni Philcan ng magising siya ng umagang iyon. May nakayakap kasi sa kanya munting lepus. Sinulyapan niya ang munting lalaking mahimbing pang natutulog. Mukhang komportableng komportable ito sa pagkakahiga sa dibdib niya. Ngayon lang din siya nagising ng sobrang magaan ang pakiramdam. Hindi niya na talaga alam ang kanyang nararamdaman. Kailangan niya na talagang kausapin ang kanyang mga kaibigan tungkol dito. Baka masagot ng mga ito ang mga katanungan bumabagabag sa kanya simula ng makilala niya si Abby.

Umungol ito. Nanginig ang kanyang sistema ng marinig ang ungol nito.

Kumilos ito at nagmulat.

"Anong ginagawa mo?!" nanlaki ang mata nito at itinakip ang kumot sa katawan.

"Ikaw ang may ginagawa sa akin," nag-unat unat siya.

"Manyak!"

"Sa'yo lang,"

"Grrr.." nagmartsa na ito papunta sa banyo.

"Bonum Mane!" sigaw niya rito.

"Waah!" kung ga'no ito kabilis pumasok ng banyo gano'n din ito kabilis lumabas.

"Oh bakit?"

"Bakit iba 'yong banyo, kumpara sa banyo sa baba at sa bahay ni Alican,"

"Ha? Anong kinaibahan no'n?"

"Sobrang high-tech, hindi ko alam gamitin, may nagsasalita pa," tinatakpan nito ang maselang bahagi ng katawan.

"Anong ginagawa mo?"

"Naiihi na ako, tumayo ka na diyan, turuan mo ako kung pa'no gamitin 'yon," tatayo na sana siya ng pigilan na naman siya nito, "Sabihin mo na lang pala, h'wag ka ng sumama,"

"Sagutin mo lang 'yong nagsasalita na 'bakit ang gwapo mo ngayon Philcan?'"

"Ano?! ang kapal mo talaga!"

"Password 'yon, 'Bakit ang gwapo mo ngayon Philcan?'"

He rolled his eyes, "Kapag sinabi ko ba 'yon anong mangyayari?"

"Gagana na lahat, bubukas na 'yong toilet bowl,"

"Baka naman hindi marecognize 'yong boses ko,"

"Sasamahan na nga kita, kung ayaw mong maniwala,"

"Okay na, sige na, kaya ko na,"

Natapos ang pakikipagbuno nito sa advanced design bathroom ng kanyang kwarto sabay silang nagtungo sa kusina para sa pagkain sa umaga nadatnan nila roon ang kanyang ama at ang dalawang omega nito kasama ang omega ni Abby.

"Bonum Mane Patrem!" masiglang bati niya sa kanyang ama. Nagtataka itong tumingin sa kanya.

"What?" nakangiti niyang tanong dito. Umupo na siya samantalang inaalalayan naman si Abby ng omega nito, mukha kasing natatakot pa rin ito sa presensiya ng kanyang ama.

"Are you alright filius?"

"Yeah, Why?"

"Nothing," bumaling ito kay Abby, "Bonum Mane Earthling," bati nito.

"Ahm eh..Bonum Mane Si..sir..I mean Alpha," nauutal ito. Mabuti nakuha agad nito ang pagbati nila sa umaga.

Tumango lang ang kanyang ama, "Philcan, meeting ng konseho kaya wala ako maghapon, ikaw na ang bahala sa Apolectus Unum, ang sabi ni Alican kailangan hindi siya makaranas ng tinatawag niyang stress dahil kinokondisyon ang kanyang katawan, naiintindihan mo ba ako?"

"Of course, I will take care of him, don't worry Patrem,"

Matapos ang tensiyonadong pagkain sa umaga sa pagitan ni Abby at ng kanyang ama. Ipinasyal niya ito sa Asticus. Kung saan naroon ang karamihan ng mga Xygus.

"Sabi ng ama mo, bawal akong mastress, eh sa inyong dalawa pa lang stress na stress na ako," kanina pa ito dumadaldal. Nasa sector Qi sila ng Pelagus Aedificium kung saan naroon ang iba't ibang klase ng sasakyang pangkalawakan at maging sasakyan dito sa Xenica. Ito kasi ang nagsisilbing bilhan ng mga piyesa, paayusan at kung ano pang may kinalaman sa sasakyan.

"Umupo muna nga tayo napapagod na ako," naghanap ito ng mauupuan.

"Nakakapagod pala ang dumaldal," nakangisi siya dito.

Inirapan lang siya nito, "Alala, doon tayo, parang magandang umupo doon," itinuro nito ang mahabang upuan.

"Hintayin niyo ako," bitbit kasi niya ang mga pinamili nito. Mga damit, mga kung anu-ano pang dadalhin daw nito pauwi sa earth. Inaway pa siya nito dahil pinagbibit niya ang omega kanina. Tapos siyang Alpha ay utusan lang nito. Ito lang ang nakagawa sa kanya ng bagay na iyon, muntikan pa siyang magwala sa sector San kanina. Pero wala rin siyang nagawa dahil mas matigas ang ulo nito.

"Iuuwi niya ba 'tong lahat sa earth?" tanong niya sa sarili. Nakita niyang nakaupo na ito, pinaupo rin nito ang omega. Pinagmasdan niya si Abby. Iniisip niya pa lang na uuwi ito sa earth ay may kung anong kirot siyang nararamdaman. Panibagong emosiyon na naman ba ito?

Hahayaan na lang niya iyon tutal naman hindi niya pa matukoy ang unang nararamdaman.

"Ang tagal mo naturingan pa namang alien," sabi nito ng makarating siya sa harap nito. Hindi siya tumugon, umupo lang siya sa tabi nito.

"Philcan, napapansin ko lang, bakit kanina pa sila tingin ng tingin sa atin? Pati d'on sa sector San ba 'yon, n'ong namimili tayo ng damit ko na puro puti," takang tanong nito sa kanya.

"Natural kasama mo kasi ako at ngayon lang sila nakakita ng alien," tinitingnan niya sa mga pinamili nila kung may maiinom.

"Excuse me? Hindi ako alien, kayo 'tong mga alien,"

"Nandito ka sa planeta namin, so sino sa atin ang alien ngayon, aber?"

"Ba't ang sungit mo! nagtatanong lang naman ah," sumimangot ito.

"Tumahimik ka nga muna kasi r'yan, lintik wala!" wala siyang mahanap na iinumin.

"Ano ba kasing hinahanap mo r'yan?"

"Inumin," tipid niyang sagot.

"Wala r'yan, ibibili na lang kita,"

"Ako na lang Apolec..," pinutol nito ang sasabihin ng omega.

"Abby," sabi nito.

"A..abby," nahihiyang sabi ng omega, "ako na lang bibili, magpahinga na lang kayo rito ni Alpha Philcan,"

"Okay, salamat Alala,"

Yumuko ang omega tanda ng pamamaalam nito.

Mayamaya ay may narinig siyang nag-uusap sa likod nila.

"Alam mo Zion, maganda itong dinownload ko sa earth na mga kanta, they're awesome dude! walang ganito sa Xenica, katulad nitong kanta ni Nicki Minaj. Anaconda." parang narinig niya ang boses ng kanyang kaibigan.

"Ako'y iyong tigilan Cerus,"

Sabay silang napalingon ni Abby. Nasa likod nila ang kanyang kaibigan na sina Cerus at Zion.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon