"Then you know what it's like to be haunted. One memory... one single incident has made me who I am. It won't leave me be. The guilt tears me apart."
Alan, The Final Cut
_____
(Alican's Point of View)
Before the Battle of White and Red.
Bata pa lang sila noon ni Vulcan ay malayo na ang loob ng Patrem nila sa kanya, hindi kasi siya nakitaan nito ng lakas katulad ng sa kapatid niyang si Vulcan. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob dahil parati naman siyang sinasabihan ng kanyang Mater na mahal daw siya nito kahit hindi nito ipinapakita iyon. Isa pang dahilan kaya hindi siya nagtanim ng galit dito dahil sa kanyang kapatid na si Vulcan, hindi siya nito itinuring na kakompetensiya, lagi itong nakaalalay at parating humihingi ito sa kanya ng mga payo pagdating sa mga mabibigat nitong desisyon.
Naalala niya noong bata siya kapag kasama siya sa mga pagpupulong at mga salu-salo ng mga nakakataas na angkan ng iba't ibang lahi ng Xygus parati siyang malayo sa umpukan dahil si Vulcan ang parating katabi ng kanyang Patrem. Ayos lamang sa kanya iyon dahil nakakatakas siya sa nakakabagot na pag-uusap ng paulit-ulit lang naman, minsan sa isang pagsaluno ay isinama sila ng kanyang Patrem, doon niya nakilala ang isang batang naging matalik niyang kaibigan. Tahimik lang din ito katulad niya. Nakita niya itong nakaupo sa di kalayuan ng mag-isa.
"Anong pangalan mo?"
"DemoGorgon,"
"Ah, ikaw ang anak ni Gamma DemoEldar?" tumango ito.
"Ako naman si Alican,"
"Anak ka ni Alpha Tican?" tumango naman siya.
"Bakit hindi ka kabilang sa usapang iyon?" itinuro nito ang grupo ng mga sapheda, kala, lala, blu at hara na kinabibilangan ng kanyang ama.
"Ayoko d'on, nand'on na rin naman 'yong kapatid ko,"
"Ako rin ayoko rin d'on, masyadong maingay,"
"Oo nga,"
Simula ng sandaling pagkikita nilang 'yon naging madalas na ang pag-uusap nila ni DemoGorgon. Pareho sila ng hilig kaya nagkakasundo sila sa mga bagay-bagay. Matalino si DemoGorgon kahit sobrang bata pa nila, alam na agad nito ang mga kumplikadong kasagutan tungkol sa aspeto ng siyensya.
Hanggang sa dumating ang araw na nabuwag ang kanilang pagiging magkaibigan. Nagkaroon ng alitan sa pagitan ng kanyang Patrem at ang Patrem nito. Sa una ay wala silang pakialam sa hidwaan ng kanilang mga Patrem, umaasa silang pareho ni DemoGorgon na maaayos din ang lahat subalit hindi nangyari iyon. Mas lalong lumala ang hidwaan na nauwi sa isang guerra.
Bago pa man nangyari ang guerra nakapagpaalam pa sila sa isa't isa.
"Sabi ni Patrem bawal na raw akong makipag-usap sa'yo,"
"'Yon din ang sabi ni Patrem sa akin,"
"Hindi ko sila maintindihan," seryosong sabi nito.
"Ako rin,"
"Heto sa'yo na lang itong loop, ginawa ko 'yan, nagpatulong ako kay Abaddon," binigay nito sa kanya ang isang metal wrist ring.
Kinuha niya naman ang cutting blade na bigay sa kanya ng kanyang kapatid, "Sa'yo na rin 'to, lagi mo 'tong dalhin sabi ni Vulcan 'yan daw ang gagamitin ko kapag nasa panganib ako, sa'yo na lang,"
Inilagay nito ang cutting blade sa bulsa ng suot nito, "Vale!" pamamaalam nito sa kanya.
"Vale!" nakangiti siyang kumaway dito habang patakbo takbong lumalayo naman ito.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Ficção CientíficaSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...